Chapter 10:
“Ayun sinugod niya ko sa kotse pagkasabi ko nun.. Buti na lang nakapasok ako agad.. Pinaandar ko agad yung kotse ni Mama.. ”
Stephen: “Eh sira ka pala pare.. Inasar po pa! Teka maganda ba yung chick na sinasabi mo?”
“Anong chick? Chicken ka mo! Grabe magtatalak!” 
Stephen: “Alam mo parang kakaiba yang babaeng yan..”
“Sinabi mo pa.”
Stephen: “..kasi biro mo ngayon lang sa taaagaaal nang pagkakakilala ko sayo ah.. ngayon ka lang nagkwento tungkol sa isang babae..
“Teka.. Teka.. anong ibig mong sabihin?”
Stephen: “Wala.. Wala.. ”
Tinignan ko si Stephen. Napaisip tuloy ako. Oo nga. Di pala ako nagkukuwento tungkol sa mga baba-babae. Eh wala naman talaga ako dapat ikwento eh. Pwera lang yung kay Larisse. Wala namang may alam tungkol dun eh.
Tumingin ako sa orasan sa may canteen. 11:15 na pala. Di ko namalayan yung oras ah. Kanina ko pa kasi kinukwento yung nangyari sa bahay ni Tender Juicy kay Stephen.
Stephen: “Oi, punta na ko class ko.. Kaw?”
“Punta na rin akong Math Building. Sige..”
Stephen: “Teka, wag mo kalimutan ah. Yung App’s Party sa Saturday.”
“Ah. Ngayong sabado na ba yun? Sige, sabihin ko sa erpats at ermats ko.”
Sumali kami ni Stephen sa isang academic org. Parehas kami ni Stephen na ECE ang course. Balak namin sana sumali last year pero hindi natuloy kaya ngayon namin naisipan ituloy.
Pagkatapos ng Math ko. Pumunta muna ko sa library. 2:30 pa kasi next class ko. Kumuha ako ng MALAKING libro. Di ko siya babasahin ah.
Inayos ko lang na parang babasahin ko sa harap ko. Tapos.. Ayun natulog ako. Para di obvious di ba? 
ZZZZZZZzzzzzzzzzzzz..
Zzzzzzzzzzzzzzzzz..
zzzzzzzz..
“Wah.. Wah??” 
Nagulat ako. Kala ko kung ano. Nag-vibrate pala yung cellphone ko. In-alarm ko kasi siya ng 2:15 para magising ako. Nagpunta muna kong c.r para mag-ayos kasi mukhang binagyo yung itsura ko eh saka ako nagpuntang next class.
Pagpasok ko sa room. Wow. Ang daming tao. Konti na nga lang yung upuan eh. Balita ko astig daw yung prof. Kaya maraming kumukuha sa class niya. Buti nga nakakuha ako ng slot.
Ayun nakakita ako ng upuan sa bandang gitna at umupo. “Jackpot! Suwerte ko talaga..”
“Malas..” 
Lumingon ako sa likod. Oh no. Oh no. Hindi ito maaari. Lord, Bakit? Bakit?
“Mukhang nagulat ka. Ako rin nagulat eh.”
Nilapit niya yung mukha niya sa akin.
“Tandaan mo, may atraso ka pa sa akin. Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa bading..”
:(" title="Angry" class="smiley" border="0">
Nginitian ko siya.
“Bakit? Ayaw mo yun, sister? Aayusan kita.. Libre manicure.. pedicure..” 
Mas lalong naasar yung Alex. Akala niya ah. Humarap na lang ako sa board. Nasan na ba yung prof.? Ang tagal ah.
After 100 years, dumating din yung prof. Ang bata ng itsura niya parang estudyante.
Prof: “Hi, class. This is SocSci 1. I’m Professor Jennifer Lucas. But you guys from now on will call me Ma’am J. Okay?”
Aba. Kaya pala. Mabait talaga tong prof. na to. Ang saya naman.
Ma’am J: “Look around you. Ayan ang mga tao na makakasama niyo sa buong sem na to.”
Tinignan ko yung mga classmates ko. Mukhang okay naman. Pwera lang dun sa nasa likod ko. Haay.. Naku.
Ma’am J: “Saka eto pa. Magkakaroon tayo ng project. Bale by group naman siya saka you can work on it the whole sem so you don’t have to worry. Hahatiin natin ang class into five groups, tig-anim sa isang group. So start na tayo.. count off na lang siguro..”
Nag-count off kami. 1.. 2.. 3.. 4.. 5.. 1.. 2 .. 3.. 4.. 5
“Four..”
Tapos nag-grupo grupo na. Nakita ko nag-raise ng hands yung mga ka-grupo ko na four rin ang number kaya lumapit ako sa kanila. Uupo na ko dun sa natitirang upuan dun biglang..
“Hoy, Diyan ako noh..”
Lumingon ako. Ano ba yan? Wag mong sabihing.. Magkagroup pa kami??!
Kung mamalasin ka nga naman.. 
This entry was posted on 11:51 PM
and is filed under
x chapter 10
.
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
0 comments:
Post a Comment