Chapter 101:
Dali-dali akong tumakbo papasok ng kotse ko. Biglang lakas ng ulan. Buti na lang suot ko
yung jacket ko. Naiwan ko yung payong sa loob ng car eh. Nag-take out ako ng food namin ni Alex. Nagparada ako sa labas ng Makati Med. Dumirecho akong I.C.U. Nandun sa labas si Alex. Nakasandal sa wall. Tulog.
Tinabihan ko siya't tinignan.
"Hon.."
Maya-maya nagising na siya.
Ngumiti ako.
"Tara.. Kain ka muna.."
Nilabas ko yung burger na binili ko.
Tahimik lang niyang kinain yung sa kanya.
"Don't worry everything will be alright.."
Tumingin siya sa akin sabay ngiti.
Mahigit isang linggo na nasa I.C.U yung mom ni Alex. Nahihirapan nga akong makita siyang ganun. Pag malungkot siya, siyempre malungkot din ako.
Kinuha ko yung kanang kamay niya.
"Dito lang ako.. Di kita iiwan.."
Maya-maya dumating si Kuya Tristan. Bumalik siya sa Pinas three days ago.
Kuya Tristan: "Kanina pa kayo dito.. Ako na muna magbantay sa kanya.. Lex, matulog ka muna sa bahay.."
Alex: "Ayaw ko.. Dito na lang muna ko.."
Kuya Tristan: "Tignan mo nga yang mga mata mo.. Mugto na o.. Please.. Pahinga ka muna.. Ayokong pati kaw.. may mangyari pa.. Toph, pakihatid naman siya o.."
"Oo naman.. Uh.. Alex?"
Tumayo si Alex at sabay kaming pumuntang parking lot. Pinayungan ko siya papuntang kotse ko. Sobrang lakas ng ulan. Mukhang may bagyo pa ata.
Tumingin lang si Alex sa may bintana sa labas.
Di ko maatim na makita siyang ganito. Inistart ko yung kotse.
Biglaan nga lahat ng nangyari. Parang kailan lang nung grumaduate si Alex. Sobrang saya ko nung nakita kong tanggapin niya yung diploma niya. Saka proud ako dahil cum laude ata tong si 'hon'. Pero ilang araw matapos nun, sinugod sa ospital yung mom niya.
Magkasama kami nung time na yun nung tumawag yung dad niya. Dali-dali kaming nagpuntang ospital agad.
"Lex.."
Lumingon siya sa akin.
"Are you okay?"
Alex: "I guess.."
"Ang lakas ng ulan ah.."
Paliko na kami sa bandang kanan nang..
May nakasalubong kaming FX..
Dali-dali kong iniwasan agad..
*SCREEEEEEEEEEEEEECCCCCCCCCH*
Alex: "Toph?! TOph!!"
Di ko lam kung ano na nangyari. Basta naramdaman ko na lang yung pagtama ng ulo ko.
Wala akong maramdaman. Puro boses lang yung naririnig ko. Di ko pa masyado maintindihan. Di ko alam kung nananaginip ba ko o ano.
Alex: "Hon.. Please.. Do you hear me?!"
Nurse: "Miss.. Sa labas na lang po muna kayo.."
Sabay sarado ng pintuan ng emergency room.
Dumating si Kuya Tristan.
Kuya Tristan: "Lex, what happened.."
Niyakap agad ni Alex si Kuya Tristan. Iyak ng iyak.
Alex: "Ano bang nangyayari.. kuya.. Di ko na alam.. First, mom.. then.. him.. I cannot afford to lose them.. I can't.."
Kuya Tristan: "Tahan na.. He'll be fine.. Both of them.."
Naghintay yung dalawa sa labas ng emergency room. Mahigit isang oras din halos. Maya-maya lumabas din yung doctor.
Kuya Tristan: "Doc.. Ano pong nangyari.."
Doctor: "Let's wait for a few hours.. Medyo maraming nawalang dugo sa kanya.. Saka malakas ang naging tama niya sa head.. Kaya we are not sure kung anong magiging response niya after the operation.."
Nilabas ako mula sa emergency room papunta sa isang kwarto.
Tahimik na pumasok si Alex at Kuya Tristan sa loob. Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya yung kanang kamay ko.
Alex: "Pagaling ka ha.. Please.."
Hinawakan ni Kuya Tristan si Alex sa balikat.
Alex: "Hon.. I love you.. Sobra.."
Maya-maya nagring yung phone ni Kuya Tristan.
Kuya Tristan: "Hello? O.. Dad.. Uh.. Okay.. We'll be there.. Lex, si Mom.."
Pumunta agad yung dalawa sa room naman ng Mom ni Alex.
Alex: "Dad, what happened.."
Dad ni Alex: "Kinausap ko si Fred (doctor friend nung mom nina Alex).. It's been more than a week na nasa I.C.U siya.. Critical na yun.. The last resort he recommended was Dr. Winston na kinausap ko na rin kanina through phone.. Meaning we're going back to California.. In 3-4 days siguro.. ang alis natin.. Aayusin ko lang ang pagtransfer ng mom niyo.."
Maya-maya umalis yung dad ni Alex at umuwi sa bahay para asikasuhin pa yung pag-alis nila.
Kuya Tristan: "Lex?"
Nakaupo lang si Alex sa labas ng I.C.U. Tulala.
Maya-maya biglang tumulo yung luha ni Alex.
Alex: "Anong gagawin ko, kuya.. Pano si Toph? I can't leave him like this.. But I have to be with Mom.."
Kuya Tristan: "Di ko lam kung anong sasabihin ko.. Pero minsan ganun talaga.. kailangan natin mamili.."
Sinilip ni Alex yung mom niya sa may pinto sa labas.
Sabay hawak naman niya dun sa necklace na binigay ko.
This entry was posted on 12:16 AM
and is filed under
xxx chapter 101
.
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
0 comments:
Post a Comment