Chapter 102:

Kuya Tristan: "Lex.. Lex.."

Ginising ni Kuya Tristan si Alex. Nakatulog siya dun sa may couch sa tabi ng kama ko.

Alex: "Uh.. Ku-kuya.."

Kuya Tristan: "Breakfast mo o.. Kamusta na siya.."

Alex: "Thanks.."

Sabay hinga siya ng malalim.

Alex: "Di pa siya nagigising eh.."

Kuya Tristan: "Three Days from now na ang alis natin.."

Alex: "I know.. Nakausap ko na rin sina Marielle.. Sabi nila.. Kung sakali.."

Sabay tingin sa akin.

Alex: "Maiintindihan naman niya yun.. Pero ang kinakatakot ko.. pano kung.. di sya.."

Kuya Tristan: "Lex.. Wag ka mag-isip ng ganyan.."

Alex: "Di ko alam kung kailan ako makakabalik.."

Sabay hawak niya sa kamay ko.

Alex: "Hon.. sana bago ko umalis.. magaling ka na ha.. please.. di ko maatim na umalis na ganito ka.."

Kuya Tristan: "Teka, may saglitin lang ako sa labas ah.. Okay ka lang ba dito?"

Alex: "Okay lang.."

Lumabas si Kuya Tristan sabay sarado ng pinto. Tumayo naman si Alex sabay pasok ng C.R.

Dahan-dahan kong binuksan yung mata ko. Nung una sobra kong nasilaw dun sa lights, kaya napapikit ako ulit. Pagtingin ko, nasa kwarto ko. Walang tao.

Biglang bumukas yung pinto sabay pasok ni..

Mama: "IHO!!"

Sabay lapit sa akin ni Mama tapos may kasama siyang doctor? Uh. Malamang nasa ospital ako.

Mama: "Diyos ko.. Salamat po.. Anong pakiramdam mo?"

"Me-medyo mabigat ang pakiramdam ko. Ano bang nangyari? Si.. Si Alex?"

Ngumiti si Mama.

Mama: "Don't worry.. she's fine.. kanina lang andito yun ah.. Teka.."

Biglang bumukas yung pintuan ng C.R.

Napatingin sa akin si Alex. Natigilan siya. Tapos bigla na lang siyang umiyak.

"O, bat ka umiiyak?"

Tapos lumapit si Alex.

Alex: "Kasi.. ikaw eh.."

Mama: "Naku, panay ang bantay niyan sayo ah.."

"Siyempre. Mahal na mahal ata ako niyan. Halika ka nga dito.."

Sabay lapit sa akin ni Alex tapos pinunasan ko yung luha niya.

Lumapit sa akin yung doctor tapos chineck yung vital signs ko.

Doctor: "Mukhang okay ang operation ah.. Pahinga ka muna ngayong araw.. Bukas, makalawa.. kung okay na.. pwede ka na makalabas.."

Ngumiti ako.

Mama: "Wait lang.. Tatawagin ko lang Papa mo pati si Marielle.."

Sabay labas si Mama sa kwarto sabay sunod na rin nung doctor.

"Sorry.."

Alex: "San?"

"Nag-alala ka pa sa akin.Dumagdag pa ko sa iisipin mo.."

Alex: "Ano ka ba.. Ang mahalaga okay ka na.."

"Mom mo? Kamusta.."

Biglang tumahimik si Alex.

"Lex?"

Huminga siya ng malalim.

Alex: "We're leaving.."

"Ano? Teka.. San?"

Alex: "Dadalhin namin si Mom sa States.. Dun sa doctor friend ni Mommy..."

Ngumiti ako.

"Bakit? Inaalala mo ba ko? Okay lang.. Para sa Mom mo yun eh.."

Alex: "Kasi.. Baka magtagal kami dun.. Dun na rin magpapagaling si Mommy.. Lahat.. Pwedeng.. weeks.. months.."

Natigilan ako.

"Natatakot ka ba para satin?"

Hinawakan ko yung kamay niya.

"Everything will be fine.. Trust me.."

Ngumiti lang si Alex.

Nakalabas ako ng ospital, kinabukasan. Nagpahinga lang din ako sa bahay ng buong araw, pag-uwi.

Nung sumunod na araw, gumising ako ng maaga. Nung una ayaw akong paalisin ng bahay nina Mama.

"Bukas na yung alis nila.."

Dumirecho ako sa ospital para samahan si Alex.

Alex: "Uy.. Dapat nagpapahinga ka ngayon ah.."

"Sobrang pahinga na nga yun eh.. Saka.. gus.. gusto kitang makasama eh.. bukas na yung.."

Sabay hawak ni Alex sa kamay ko at sandal sa shoulders ko.

"Baka di ko makayanang makita kang paalis sa airport.. Yung parang sa mga movies.."

Alex: "Sira ka talaga.. Di ka rin, naman makakasama kasi may class ka.."

"Lagi kang mag-iingat dun ah.. Yung gamot mo.. lagi mong dalhin.."

Alex: "Opo.."

Sabay tawa.

Buong maghapon lang kaming nasa ospital, nagbabantay. Nung mga 5 pm, dumating si Kuya Tristan.

Kuya Tristan: "Lex.. uwi ka na.. Maghanda ka na ng gamit mo.."

"Hatid na kita.."

Pagdating namin sa kanila..

"Brownout ba?"

Alex: "Oo nga.. Bat ang dilim?"

Pagpasok namin, dahan-dahang umilaw yung pathway papupuntang garden nila sa likod.

Sabay tingin sa akin ni Alex.

Alex: "Hon??"

Ngumiti lang ako.

"Shall we?"

Sabay abot ko sa kanya nung braso ko. Naglakad kami papuntang garden nila.

"Candlelight dinner for two?"

Alex: "Aba.. May ganito talaga ah.."

Pinaupo ko siya tapos kumain kami nung food na pinahanda ko. Kakuntsaba ko dito
yung utol niya.

Tawanan lang kaming dalawa. Nagsusubuan pa nga kami eh.

Nung biglang nagpalit yung music (instrumental), niyaya ko siyang sumayaw.

"May I have this dance.."

Tumayo si Alex sabay abot ng kamay niya.

Pumwesto kami sa gitna ng garden nila.

"Isa to sa favorite mo di ba?"

Alex: "Alam na alam ah.."

"You always ask me
Those words i say
And telling me what it means to me

Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you
For this is all i know"

Ngumiti si Alex. Sabay kaming kumanta.

"Come to me and hold me
And you will see
The love i give
For you still hold the key

Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you
For this is all i know"

Hinawakan ko yung face niya. Tapos pinunasan ko yung papatak na luha sa left eye niya.

"I'll never go far away from you
Even the sky will tell you
That i need you so
For this is all i know
I'll never go far away from you

Come to me and hold me
And you will see
The love i give
For you still hold the key

Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you
For this is all i know.."

Kinuha ko yung kamay niya sabay patong sa chest ko.

"Hon.. Sana alam at nararamdaman mo yung sinasabi nito.. Mahal na mahal kita.. Distance will never change that.."

Niyakap ko siya ng mahigpit..











































na parang walang bukas..