Chapter 11:

Stephen: “Yaan mo ipagdadasal kita pare..”

“Bakit naman kasi ganun? Biro mo magkagroup pa kami? Ano na ang gagawin ko ngayon.. Bad trip talaga! Aaargh..”

Stephen: “Alam mo tawag diyan Toph?”

“Ano?”

Stephen: “..destiny..”

“Anak ng.. Destiny. Destiny ka diyan.. ”

Stephen: “To naman.. di mabiro.. Wag mo na nga isipin yun.”

“Teka, nasan na ba tayo? Naliligaw na ata tayo. Tama ba yang address na nasa sayo?”

Stephen: “Oo, Dela Rosa St. na to o”

“Ayun na ata. Tignan mo. Yung maraming nakapark na kotse.”

Nagpark si Stephen dun sa may malaking bahay. App’s party na kasi nung org na sasalihan namin. Parang dun mo makikilala yung ibang mga miyembro saka kasamang applikante.

Naghintay kami sa labas. Pinindot namin yung doorbell. Maya-maya pinagbuksan kami ng maid tapos tinuro kami sa garden. Wow. Ang ganda sa loob!

Stephen: “Pare, tignan mo yung mga babae dun o. Ganda..”

Tinignan ko yung mga babaeng tinuturo niya. Okay lang. Maganda nga. Lumingon-lingon ako. Medyo marami-rami na rin ang tao. Pero may nakita akong babae dun sa may sulok. Mag-isang nakaupo. Nagmumukmok ata. Medyo malayo kaya di ko masyado makita yung mukha niya.

Biglang kinalabit ako ni Stephen.

Stephen: “Toph, si Joey nga pala, siya yung head ng application ngayon. Siya rin yung may-ari ng bahay.”

Kinamayan ko yung Joey. “Uy.. Toph pare”

Joey: “Kain muna kayo. Maya-maya na tayo magsisimula.”

Chibugan na. Naunang pumila si Stephen. Buffet style siya. Ako nag-cr muna. Pagbalik ko saka ako kumuha ng pagkain.

Nung kukuha na ako ng plato, may.. may nakasabay akong humawak nung plate eh. 8)

Pagtingin ko kung sino..

“Uh.. Sige, sayo na..”

Tumalon yung puso ko! Totoo ba to?? Totoo ba to??

Larisse?? :o

“Hiiinde, sige.. ma.. mauna ka na.. ladies first..”

Pinauna ko siya saka ko kumuha ng sarili kong plate.

“Thanks.. Uhmm.. Parang naging classmate na kita dati?”

Parang di ako makahinga. Pinagpapawisan na naman ako.

OO!! Magkaklase nga tayo! Talaga naaalala mo ko? Talaga??! 8)

“Uh.. Uhmm.. Oo ata..”

Larisse: “Sa Math 17? Tama ba?”

Tama! Tama! :D

“Oo nga ata..”

Larisse: “Naaalala mo pa ba ko? Larisse nga pala..”

Ha? Naaalala? Oo naman! OO!

“Larisse? Ah.. To..Toph pala..”

Larisse: “Ah.. nice.. Sige.. una na ko..”

Tinignan ko siya pag-alis niya. Wow. As in WOW.

“Uh… Steak sir? Uh.. Sir?”

Nagulat ako. Hinihintay na pala ko nung nagseserve.

“Ah. Sorry..”

Hinanap ko kung saan umupo si Stephen. Pagkakita ko, nilapag ko yung plato ko’t umupo.

“Pare, kurutin mo nga ako?”

Tinignan ako ni Stephen.

Stephen: “Okay ka lang?”

“Nanaginip ba ko?”

Hinawakan ni Stephen yung noo ko.

Stephen: “Tol, dapat sinabi mong may sakit ka.. pare di ka na sumama..”

“Hindi.. Wala kong sakit.. Wala..”

Lumingon ako. Nandun siya sa kabilang table. Tapos, naalala ko. Siya ata yung babaeng napansin ko kanina. Siya nga yun!

Biglang lumapit sa amin si Joey.

Joey: “Kain lang kayo ah. Oo nga pala. Yung mga nasa kabilang table saka yung sa isa pang table.. Yan ang mga kasama niyong mag-aaply. Bale 25 kayo ngayon.”

Tinignan ko ulit si Larisse. ECE din pala siya? Haay.. Di ako makapaniwala..

Stephen: “Uy, Toph.. Mukha ka na namang sira diyan.. Nakangiti ka diyan mag-isa..”

“Ah. Wala. Wala to.”




















Kilala na niya ko!! Alam na niya pangalan ko! Yahoo! :P