Chapter 14:
Di nagtagal dinismiss na kami ni Ma’am. Nung palabas ng class, hinabol ko si Alex. Hinawakan ko siya para pigilan.
“Alex, I’m sorry.. Alam mo dapat ayusin natin to kasi magkaklase tayo eh.. Alam mo yun.. Tapos magkagrupo pa..”
Emm: “Uuuuyy.. Deny deny pa.. LQ lang pala kayo. Parang.. Parang eksena sa movie..” 
Bumitaw si Alex sa pagkakahawak ko.
“Ah. Hinde ah. Anong LQ?”
Tinignan lang ako ni Alex. Tapos naglakad siya paalis. Hindi ko na siya hinabol. Pakiramdam ko kinausap ko ang hangin.
Naglakad na rin ako palabas ng Palma Hall. Papunta na akong sakayan. Napansin ko bigla si Alex. Parang wala siya sa sarili? Tatawid siya papuntang sakayan.
Paglingon ko sa kanan, may paparating na kotse.. 
“Hala.. Si Alex.. ALEX!!”
Pero di ata ako marinig eh. Tumakbo ko tapos hinila ko siya. Tamang-tama kung hindi nasagi siya nung kotse.
“Magpapakamatay ka ba?”
Tinignan lang niya ko. Tapos..
Bigla siyang nahimatay. Hinawakan ko yung noo niya. Inaapoy siya ng lagnat!
Kaya pala parang hinang-hina siya eh. Binuhat ko siya.
Hala. Ang bigat naman nito! 
“Ano nang gagawin ko ngayon? Medyo malayo pa clinic dito. Baka mamatay ako pag nilakad ko hanggang dun?” 
BEEP.. BEEP!
Dumating yung CRV ni Stephen. Binuksan niya yung bintana.
Stephen: “O, bat may buhat-buhat kang chick diyan?”
“Nahimatay siya.. Eh kung tulungan mo na lang ako.”
Dinala namin ni Stephen si Alex sa clinic. Naghintay kami sa labas. Di nagtagal may lumabas na nurse.
Nurse: “Okay na siya. Natutulog lang. Maya-maya gigising din yun. Ang taas ng lagnat niya. Dapat nagpahinga na lang sa bahay at hindi pumasok.” (Tumingin sa akin) “Paalala mo yung gamot ng girlfriend mo inumin niya mamayang 8 pm uli ah.”
GIRLFRIEND? Ano daw? 
“Ay. Classmate ko lang po siya. Nakita ko po kasi siya kanina..” 
Nurse: “Ah ganun ba. Basta paalala mo na lang sa kanya.”
Pagkaalis nung nurse..
Stephen: “Girlfriend.”
"Tumahimik ka.”
Stephen: “Halika, pasok tayo sa loob.”
“Baka magising siya eh.”
Stephen: “Basta.. Halika na.. dali..”
Binuksan namin yung pinto. Nandun si Alex. Nakahiga. Natutulog.
Stephen: “Siya ba yung kinukwento mo sa akin?”
“Uh.”
Gumalaw si Alex. Tapos bumukas yung mga mata niya.
Alex: “Na..Nasan ako?”
“Sa clinic. Nahimatay ka kanina eh.”
Alex: “Ganun ba..”
Stephen: “Niligtas ka nitong tropa ko.. Siya ang iyong tagapagligtas.. hero.. savior..” 
Tinapakan ko nga si Stephen.
Stephen: “Aray!” 
*SILENCE*
“Uh.. Uy, Pwede bati na tayo?”
Wala. Di pa rin siya sumasagot.
“Alam mo kahit man lang maging civil lang tayo sa isa’t isa. Yun man lang.”
Alex: “Fine with me.”
“Sige.. Mauna na kami.. Sabi nung nurse tinawagan na raw niya family mo eh.. Oo nga pala.. Yung gamot mo raw inumin mo mayang 8 pm ah.” 
Di pa rin siya nagsasalita. Wala man lang bye o kung ano.
Nung pasara ko na yung pinto..
Alex: “Wait..”
Alex: “Uhmm.. Thanks..” 
This entry was posted on 12:04 AM
and is filed under
x chapter 14
.
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
0 comments:
Post a Comment