Chapter 20:
Mara: “SssHH!”
Emm: “Whoa.. Huwag kayo maingay..”
Alex: “Ha?! Eh ano ba namang klaseng story yun?”
Emm: “Girl, kailangan talaga ang kiss sa mga lovestory.. Paano mabubuhay si Sleeping Beauty.. Snow---”
Alex: “Ha? Eh di ikaw na lang si Juliet.”
Tinignan ko si Alex.
“Okay lang sa akin.. Di naman ako maarte eh..”
Alex: “Baka ikaw ang maarte.. Sige Fine, game ako..”
Eh di ayun. Ginawa na namin yung script. Medyo maikli lang naman kasi for ten-fifteen minutes lang. Si Emm mostly yung gumawa nung script. Tagalog yung ginawa niya. Sabi ni Ma’am okay lang daw.
“Pabasa nga nung script” Kinuha ko yung paper tapos binasa ko.
“Teka, So wala na yung kiss?”
Emm: “Eh Akala ko ba ayaw niyo?”
“Sabi ko nga..”
Trina: “Pero mas maganda kong meron eh..”
Emm: “Tanungin niyo si Romeo and Juliet..”
Mara: “Sige na.. Sa forehead na lang..”
“Uhmm.. Tanungin niyo na lang si Alex..”
Tinignan namin si Alex. Ang tagaaal bago sumagot ang babae.
Alex: “Okaay.. Okaay.. Sa forehead lang ah.. Saka..” (Sabay tingin kay Trina) “Paalala nyo sa akin maghilamos ah..”
Aba.. Ang Kapal nito!
:(" title="Angry" class="smiley" border="0">
Tinawag na yung group namin. Okay naman yung naging simula. At mukhang nagugustuhan naman ng mga kaklase namin.
Emm: “Juliet.. Ilang beses ko na sinabi sayo ha.. Iwasan mo na yang Romeo na yan.. Yang pamilya niyan mga walang.. Walang modo..”
Alex: “Mama! Minsan kailangan pakinggan niyo rin ako.. Hindi mo ba inisip ang nararamdaman ko? Si Romeo lang ang tanging minahal ko ng ganito.. Siya lang.. Sana maintindihan niyo..”
Emm: “Hindi ko naiintindihan at wala akong balak intindihan ka!”
Alex: “Ganyan naman kayo.. Wala kayong inisip kundi sarili niyo! Si Romeo lang ang nagmamahal sa akin.. Tanggap ako kung sino ko.. Mahal ako ng buong-buo!”
Emm: “Maldita ka!”
Sabay sampal kay Alex. Tumakbo palayo si Alex.
Aba. Talagang in character tong si Emm ah.
Si Alex maluha-luha na talaga. Tinotoo ata ni Emm yung sampal niya eh. Sakit nun ah.
Trina: Nagpakalayo-layo si Juliet. Bakit hindi sila maintindihan ng mga pamilya nila? Hindi ba’t pamilya dapat ang unang makakaunawa.. magmamahal?
Alex: “Sabi nila.. Pag nagmahal ka masaya ka.. bakit ganito? Bat ako umiiyak?”
“Minsan kailangan talaga natin umiyak.. Ibuhos ang nararamdaman..”
Lumingon si Alex at tumingin sa akin.
Alex: “Romeo?! Pano mo nalaman na nandito ko?”
Hinawakan ko ang dibdib ko. Talaga namang sinulat pa ni Emm yun sa script di ba. Mahilig ata sa telenovela yung baklang yun. 
“Hinahanap-hanap ka nitong puso ko eh.. Dito niya ko dinala.. Saka di ba dito tayo unang nagkita..”
Alex: “Romeo.. Ayaw ng pamilya ko sa yo.. Ayaw ng pamilya mo sa akin.. Paano tayo magiging masaya?”
“Di ko alam..Mahalaga magkasama tayo ngayon.. Sapat na yun para maging masaya ko..”
Umupo kaming dalawa. Tumingin muna si Alex kina Emm. Tapos sumenyas si Emm.
Kahit alam kong ayaw niya, Humiga si Alex sa lap ko.. 
Alex: “Sana ganito na lang tayo lagi..”
Pinikit ni Alex yung mata niya. Kunyari nakatulog na siya.
“Sana nga Juliet.. Sana..”
Hinawakan ko yung pisngi ni Alex. Muntik na kong matawa kasi sumimangot ba naman ang babae nung hinawakan ko ang mukha niya.
Buti na lang di napansin ng klase.
“Mahal na mahal kita..”
Eto na..
Eto na..
Nilapit ko ang mukha ko kay Alex. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko ah.
Emm: (pabulong) “Pssst.. Dali…”
Pinikit ko ang mata ko at..
Ayun hinalikan ko ang noo niya.. 
Hiyawan naman ang klase…
Maya-maya natapos din ang skit namin. Natuwa naman si Ma’am. Buti naman..
Pagbalik namin sa mga seats namin.
Mara: “Bat ang tagal mo naman halikan si Juliet ah.. Romeo??”
Hindi ako nakasagot.
****
Kinabukasan.. Biyernes..
Magkasama kami ni Stephen na naglalakad papunta sa klase.
Stephen: “Ha? Akala ko okay na kayo?”
“Ewan ko ba. Basta. Malabo talaga yung babaeng yun eh.”
Stephen: “So.. Ano feeling?”
“Ng ano?”
Stephen: “Nung hinalikan mo siya?”
“Ano ka ba.. Sa forehead lang naman saka skit lang yun..”
Stephen: “Wala kang naramdaman?”
“Wala..”
Stephen: “Owws?”
“Next topic na nga..”
Stephen: “Pero di nga.. kahit konti?”
“Stephen?!”
This entry was posted on 5:33 PM
and is filed under
x chapter 20
.
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
0 comments:
Post a Comment