Chapter 22:
Linggo. Wala sina Mama at Papa. May out of Town trip sila. Umalis sina kanina madaling araw. Gumising ako ng maaga. Aba. Naunahan ko pa ang alarm clock ko. San ka pa? Pagtingin ko sa orasan, 7 o’clock. Kadalasan, 7:30 ako nagising eh.

Bumaba ako at nagpuntang kitchen. Nagtingin-tingin ako kung anong pwedeng lutuin. Wala si Ate Tess. Kaming dalawa lang ni Marielle ang nasa bahay kaya malamang ako ang maghahanda ng breakfast. Pagbukas ko ng refrigerator, nilabas ko yung tapa saka naglabas na rin ako ng itlog para iprito. Nagsaing na rin ako ng kanin. Yung tama lang para sa aming dalawa.

Nung nag-aayos ako ng lamesa, narinig ko na pababa na si Marielle.

Marielle: “O, wala sina Mama no? at ikaw ang nagluluto?”

“Umalis sila eh.. May out of town trip.”

Marielle: “Dapat ginising mo ko para natulungan kita.”

“Okay lang yun.. Saka napagod ka sa paggawa ng project niyo kahapon sigurado..”

Marielle: “Bait talaga ng kuya ko”

“Nambola ka pa.. Tara na nga kain na tayo..”

Marielle: “Sige, ako na lang maghuhugas ng plato.”

Pagkatapos magbreakfast, inayos namin ni Marielle yung pinagkainan namin. Tapos, naligo at nagpalit na kami ng damit. Nagsimba kami ng mga 9 o’clock ng umaga.

Pagkatapos magsimba, bumalik na rin kaming bahay.

Marielle: “Ano na ngayon gagawin natin?”

“Di ko rin alam..”

Marielle: “Mall tayo!”

“Ha? Ang init kaya..”

Marielle: “Sige na..”

“O sige.. sige.. Kukuha lang ako ng pera..”

Nagcommute kami ni Marielle papuntang Glorietta, ang aming tambayan pag walang magawa. Eto na ata ang aming second home. Buti na lang at sa Makati kami nakatira.

Ayun. Naglibut-libot lang kami dun. Sinamahan ko mag-windowshopping ang aking little sister. Ay. Sabi niya di na raw siya little eh.. dalaginding na kasi.. ::)

Tumigil kami banda dun sa activity center. Bumili kami ng hotdog sandwich. Kahit palakad-lakad lang kami dun. Nakakagutom din no. Habang hinihintay ang aming hotdog sandwich.. May naramdaman akong humihila sa pantalon ko.. Tumingin ako sa baba..

Marielle: “Miguel!”

Si Miguel?

Marielle: “Tignan mo.. nagpapakarga ata sayo.. Naaalala ka niya..”

“Hello.” Binuhat ko naman yung bata.

“Nandiyan lang pala yan eh.. Kala ko kung san napunta..”

Paglingon ko kung kaninong boses yun.. Aba.. Si Alex pala.

“Uy, Nandito rin pala kayo..”

Marielle: “Sino kasama niyo?”

Alex: “Nauna lang kami ni Miguel dito.. May pinuntahan pa sina Tito Bert eh.. Baka mamayang hapon sila susunod dito.”

Marielle: “Ganun ba? Eh kung sumama na lang kayo sa amin ni kuya?”

Alex: “Ha? Nakakahiya.. Baka nakakaabala kami sa inyo..”

Marielle: “Okay lang yun no..”

Sama-sama kaming namasyal sa loob ng mall. Buhat-buhat ko si Miguel na tuwang-tuwa pag nakaangkas siya sa balikat ko. Nung mga bandang lunch time, kumain kami sa KFC. Ang ingay sa loob ng KFC. Ang daming tao kaya kailangan mo pa ata sumigaw para magkarinigan. :-\

Marielle: “Ate Alex.. Bat madalas ka nga pala kina Tito Bert? Pinsan mo sina TJ di ba?”

Alex: “Yah. Kapatid ni Mama si Tita Marisse yung wife ni Tito Bert. Wala parents ko for one month kasi may business trip silang pinuntahan. Pag umaalis parehas parents ko, madalas pumupunta na lang ako sa kanila.. Tutal isang sakay lang naman mula sa amin papunta sa kanila eh..”

Marielle: “Ah.. Ganun pala.. Alam mo ang pretty-pretty mo..”

Eto na naman tayo. Tong si Marielle talaga o. Mahilig mambola? Napatingin ako kay Alex. May itsura nga siya. Lagi kasing nakatali, nakacap, naka-rubbershoes tapos mukha naman siyang payat pero XL ata laging suot na damit. Mas astig pa siya tignan kaysa sakin eh. :P

Alex: “Ha?”

Marielle: “Promise.. Ang simple mo pero pretty pa rin.. Kung may ate lang ako.. gusto ko kasing pretty mo..”

“Teka.. Teka.. parang nasaktan naman ako dun.. mas gusto mo pala ng ate..”

Marielle: “O.A mo naman kuya.. Iba pa rin pag may ate di ba?”

Alex: “Bakit yung girlfriend ni Toph? Di ba considered as ate mo na rin yun?”

Napalunok ako. Mukhang alam ko na ang susunod na pag-uusapan ah.

Marielle: “Naku, yun nga ang problema eh.. Wala eh.. Eversince.. Grabe, kuya JC anong petsa na?”

Sige. Ilaglag ba ko ng sarili kong kadugo.

Alex: “Ha? Wait. Di ko ata naintindihan. Ano ba yan ang ingay talaga..”

“Pardon? Ano?”

Alex: “NBSB ka? Ah Mali. No Girlfriend since Birth?”

“HA?”

Alex: “NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH KA?”

Napalakas ata boses ni Alex. Tumahimik yung ibang katabi naming table sa KFC at napalingon sa amin.

Okaaaaay.

Alex: "Oops.. Sorry.."