Chapter 24:

Alex: “I’m sorry..”

“No, it’s okay.. Nagkaroon siya ng sakit sa kidney eh.. We opted for a kidney transplant.. Pero bago pa siya natransplant.. he.. he died..”

Silence..

Alex: “You miss him?”

Ngumiti ako. “Sobra..”

Alex: “How old was he when..”

“Twenty.. Papasok na siya sa medical school nun eh.. Pangarap ni kuya maging doctor sana.. He would have been a very good doctor..”

Nilabas ko yung wallet ko. Kinuha ko yung picture naming tatlong magkakapatid. Pinakita ko kay Alex.

Alex: “Magkamukhang-magkamukha kayo…”

“Sino mas gwapo?”

Alex: “Sira ka talaga..”

“Pero alam mo.. Pag nakakakita ko ng mag-kuya, naaalala ko si Kuya Lester. Alam mo yung kaninang karga-karga ko si Miguel sa balikat ko.. Madalas ginagawa ni kuya yun nung bata ko..”

Alex: "Aliw na aliw nga si Miguel eh.."

“It was very hard for us to see him in the hospital.. Minsan ayaw kaming pasamahin ni Mama eh.. Ang payat-payat niya.. Makikita mo sa mga mata niya na nahihirapan siya.. Sobrang nasaktan kami nung nawala siya.. Alam mo kung ano huli niyang sinabi sa akin?”

Alex: “Ano?”

“JC, aalis ni kuya.. lagi mo tatandaan ah na mahal na mahal na mahal kayo ni kuya.. alagaan mo si marielle ah…..”

Alex: “He must have been a great brother..”

“That’s why it hurts more.. Ang hirap talaga if you lose someone very important to you.. It made me cherish every single moment with the people I love..”

Alex: “I know.. James.. my brother.. died three years ago.. ”

“I’m sorry..”

Alex: “Pero unlike you.. he’s younger than me.. seven years old siya nung namatay siya..”

“Anong nangyari?”

Alex: “He died because of leukemia.. mas mahirap kasi siya gamutin if you have down syndrome..”

“Down syndrome? Your brother?”

Alex: “Yah.. Alam mo.. Ang hirap.. When James was growing up, people would always.. always look at him differently.. To others, he was abnormal.. But for us, he was a blessing.. Sabi nga ni Mama.. siya ang angel namin.. At alam ko wherever he is right now, he’s happy..”

“Kaya ba malapit loob mo kay Miguel?”

Alex: “Parang ganun na nga.. nakikita ko rin siguro yung kapatid ko sa kanya..”

“Haay.. Siguro.. Pinapanood nila tayo ngayon..”

Alex: “Sigurado.. Teka, ano nga palang kinalaman ng pagkamatay ng brother mo sa----”

Marielle: “Pasensiya na.. Kanina pa ba kayo?”

Alex: “Hindi naman..”

“Marielle, hatid muna natin si Alex sa kanila..”

Marielle: “O sige.. Maaga pa naman..”

Sumakay kami ng taxi para mas mabilis na saka direcho na kina Alex.

“Bat kailangan mo pala umuwi agad?”

Alex: “Nagtext kasi yung maid namin sa bahay.. Darating na yung Tita ko galing Canada.. Yung bunsong kapatid nina Mama..”

“Oo nga pala.. wala parents mo no kaya ikaw kailangan mag-asikaso..”

Di nagtagal nakarating na rin kami kina Alex. Pinagbuksan kami nung maid nila at pinapasok sa loob.

Alex: “Teka lang.. kuha lang ako ng inumin saglit..”

“Hinde.. Okay lang.. Mauna na kami..”

Alex: “Naku.. hinatid niyo na nga ko.. Sige na.. Diyan lang kayo ah..”

Umalis saglit si Alex at pumuntang kitchen.

Marielle: “Wow.. ganda ng bahay nila ah.. ang laki pa..”

“Oo nga.. Ang linis pa..”

DING DONG!

Alex: [may dala-dalang dalawang basong-iced tea] “Eto o.. inom muna kayo.. Tignan ko lang kung sino yung nag-doorbell..”

Kinuha namin ni Marielle yung iced tea at ininom saka palingon-lingon sa bahay nina Alex.

“Aba.. Dalaga na ang pamangkin ko ah..”

Marielle: “Kaninong boses yun?”

“Baka sa tita ni Alex..”

Bumukas yung pinto at pumasok sina Alex saka yung bisita niya.

Alex: “Tita Sofia.. si Marielle ska Toph.. mga kaibigan ko pala..”

Marielle: “Ate Pia??”



















Si Ate Pia?! :o