Chapter 27:

Lumabas na kaming Hall at sabay kaming naglakad papuntang tambayan. Sa lahat ng pinakaewang kausap, ako na ang pinakaewan. Wala akong masabi eh. Ano ba naman yan. Buti na lang at nadaanan naman si si Manong Peter.

"Uh.. Ice Cream?"

Ngumiti lang siya.

"Ay. Diet?"

Larisse: "Oy, hindi ah.. Manong Peter, isa nga ho yung tulad ng dati.."

Nagulat ako. Kilala pala niya si Manong Peter?

Manong Peter: "Aba, magkakilala pala ang dalawa sa mga suki ko ah.."

"Kilala mo si Manong?"

Larisse: "Oo naman.. Eh Mahilig kaya ako sa ice cream. Kaya nagulat ako nung tinanong mo ko.."


"Ay.. yung akin po chocolate-strawberry ah.."

Manong Peter: "So Dalawang chocolate-strawberry?"

"Isa lang po.."

Mang Peter: "Yun din yung sa kanya eh.." Sabay turo kay Larisse.

Tumawa naman si Larisse.

Larisse: "Gaya-gaya ka ah.."

"Hindi ah.. ikaw naunang nag-order pero mas nauna kong naging favorite yan.. di ba Manong?" ::)

Larisse: "Ah.. Ganun ah.."

Manong Peter: "O siya.. siya.. peyborit na kung peyborit.. eto na.." Sabay abot sa amin nung ice cream. Kinuha naman namin yung kanya-kanya naming ice cream.

Binuksan ni Larisse yung bag niya at hinanap yung wallet niya.

"Uy.. Ako na.."

Larisse: "Wow.. Ililibre mo ko?"

"Hinde uy.. Sabi ko hahawakan ko lang ice cream mo para makuha mo na wallet mo.. Di ba ikaw manlilibre? Pumayag na nga akong sumabay ka sa akin eh para may bodyguard ako.."

Larisse: "Aba.."

"Joke lang.. Manong eto po bayad.."

Larisse: "Bodyguard pala ah.."

Nginitian ko lang siya. Hindi naman. Sa totoo lang, angel nga eh. Haay. Eh di sana nasabi ko yun di ba?

Tumuloy na kaming maglakad. As usual, tahimik na naman. Hindi ko alam kung nasa sarili ba ko kanina? Yun na ata pinakamatinong usap namin eh. Ata?

Larisse: "Di kita maintindihan?"

"Ha?"

Larisse: "Wala lang.. Parang kakaiba ka.."

Parang kakaiba ka? Aba. Katakot naman yun.

"in a good or bad way?"

Larisse: "hmm.. secret?"

"Secret? Deodorant yun eh.."

Larisse: "Sira.. Parang ganyan.. Minsan kasi tahimik ka.. Tapos ngayon.."

I know. I know. Ewan ko. Pakiramdam ko kasi.. swerte ako ngayon dahil sa kanya.. Parang nanalo na ako sa lotto ngayong napapangiti ko siya, napapatawa. Haay. Ngayon, nasa harap ko siya. Akalain mo. Nakangiti siya na kitang-kita yung dimples niya. Tapos hinahangin-hangin pa ng hangin yung buhok niya. Tapos.

"Hoy.."

Nagulat ako kung sino yung tumapik sa likod ko. Si Stephen lang pala..

Stephen: "San kayo punta? tambayan?"

"Uy.. Oo.. Kaw?"

Stephen: "Oo eh.. Pero saglit lang ako.. Hi Larisse.. tambayan ka rin?"

Larisse: "Oo.. Di rin kasi ako masyadong nakadaan last week.."

Nung nakapasok na kami sa Hall, nagpaalam si Larisse. Daan daw muna siyang canteen. Kami naman ni Stephen dumirecho ng tambayan.

Stephen: "Tahimik ka kanina ah.."

"Di ka na ba nasanay.."

Stephen: "Sa bagay.."

Kilala ko ng mga tao na medyo di masyado lapitin sa babae. Hindi ako yung tipong unang lalapit, para makipagkaibigan o anuman. Hindi rin ako makuwento kaya lagi akong sinasabihang suplado, mahiyain etc. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit bumabaliktad ang mundo ko pag nasa harap ko na si Larisse. Nag-jojoke ako, namumula, natutuyuan ng lalamunan.. Sintomas na ba to ng sakit?
Kailangan ko na atang magpatingin sa doctor eh.. Sa totoo lang..



















...may tama na ata ako eh.. 8)