Chapter 30:
Hinga na malalim. Pagkatapos ng lahat ng yun?! Ano ba naman yan.. Pumasok akong McDo at sinundan si Alex sa may counter.
Alex: "Isang 2 pc chicken, iced tea, large fries, saka chocolate sundae.. ikaw?"
Grabe ring tong babaeng to ah. Pero mukha namang hindi siya nataba?
"Uh.. Kahit ano kaw bahala.."
Alex: "Same din nung kaninang sinabi ko.."
Ha??
"Sige.. ako na lang magbabayad nung akin.."
Alex: "Hinde.. sabi ko lilibre kita eh.."
Nung binigay na yung order namin. Ako na lang nagdala nung foodtray. "Sige ako na magdadala." Tapos sinundan ko siya.
Nung naghahanap na kami ng mauupuan, may tumawag sa akin bigla. “Uuy.. Toph.. pare..” Si Mark pala, classmate ko sa Math ngayong sem.
“Uuy.. Dito ka rin pala..” Tapos, umupo kami dun sa nahanap ni Alex na upuan.
Alex: “Sino yun?”
“Classmate ko sa Math..”
Alex: “Sino yung kasama niya?”
“Malay ko.. Baka girlfriend.. nakasandal sa kanya eh..”
Alex: “Ganun? Eh Nakita ko rin siya nung isang araw may ka-holding hands na babae sa campus.. kung di ako nagkakamali siya yun eh..”
“Baka nga..” Tapos sinimulan ko ng papakin yung chicken ko.
Alex: “Oh well.. what’s up with you guys?”
“Ha?” Ang sarap talaga ng chicken pag sinasawsaw sa gravy ah.
Alex: “Can’t stick to just one girl?”
Natigilan ako dun ah. Bat biglang napunta dun usapan? Si Mark kasi eh..
“No Comment?” Tumaas yung kilay ni Alex. “Siguro para sa iba exciting yun..”
Alex: “Ganun? Ikaw ano naman ang opinion po sa mga ginagawa ng mga kapwa mo?”
“Haay.. Uh.. Mali.. Mali yun kasi hindi mo dapat pinaglalaruan ang damdamin ng iba...”
Ngumiti si Alex.
Alex: “Wow.. San mo nakuha yun ah?”
“Pinag-isipan ko naman yun ah..”
Alex: “Alam mo tama ka diyan..”
“Ako pa.. Joke lang.. Pero ganun naman yun di ba.. saka ang love love na yan.. minsan kasama diyan yung mga risks.. tulad nung masasaktan ka.. iiyak.. nasa sayo na yun kung handa ka i-take yun..” Tapos kumagat na ako dun sa burger ko.
Alex: “Eh bat ikaw ayaw mong i-take yung risk?”
“Hindi pa ko handa eh.. Ayoko pa masaktan.. at lalong ayokong makasakit..” Tapos kumagat uli ako sa burger ko.
Alex: “Lahat naman tayo.. Ganyan talaga.. Teka, ano pala yung sinasabi mo tungkol sa kuya mo dati?”
“Ayokong matulad sa kanya.. Naalala mo yung si Pia? Siya yung girlfriend ni kuya.. Alam mo ba ni anino niya di ko nakita nung nagkasakit yung kapatid ko.. Anong klase yun?!” Nag-iinit dugo ko pag naalala ko.
“Mahal na mahal pa naman siya nung kuya ko.. Walang ibang bukambibig kung hindi siya pag nagkukwento.. Saka lam mo siya ang first.. and last girlfriend niya.. Kaya mula nun.. siguro.. natakot na rin akong masaktan kasi nakita ko kung pano nasaktan si kuya.. minsan sa ospital, tulog siya nun.. binabanggit pa niya yung name nun tapos makikita mo naluluha siya..”
Alex: “Ang paranoid mo..”
Ha?
“Ano??”
Alex: “Ang sinasabi ko lang..Wag mong isipin na matutulad ka sa kuya mo.. O kaya makakakita ka ng tulad nung Pia na sinasabi mo.. Kasi iba-iba tayo ng kapalaran..”
“Ewan ko.. Basta..” Kinuha ko yung sundae ko tapos tinikman. Naisip ko din yung sinabi niya. Siguro nga tama siya. Pero pinangungunahan pa rin ako ng takot.
Alex: “Minsan sa buhay kailangan magtake ng risks.. Ganun talaga.. Kaya i-try mo.. Lalo na ngayon.. nandiyan na si Larisse..”
Umiinom pa naman ako ng iced tea nun. Muntik na kong mabilaukan ah.
“Ano?”
Alex: “Hmm.. Naging magkaklase ba kayo ni Larisse dati?”
“Uh.. Last year.. Sa Math.. Bakit?”
Alex: “Tignan mo.. Isang taon na? Grabe ah.. Balita ko sinisilip-silip mo pa siya bago sumakay ng kotse niya no?”
Hala? Teka.. Paano niya nalaman yun?
“Paano mo nalaman??”
Tapos bigla siyang tumawa.
Alex: “Hindi nga?? Wala lang… Hula lang..”
Grrrr. Grabe tong babaeng to. Nadala ko dun ah.
Tapos nagseryoso siya.
Alex: “You know what? A lot of guys have courted her in the past.. Most of them are jerks..”
“Ha?”
Alex: “Pramis.. Kala yata nila trophy si Larisse eh.. Yung iba magkakabarkada pa.. sabay nanliligaw.. Buti nga… Basted..”
“Aah..” Di ko alam kung ano pa sasabihin ko kasi klarong-klaro na sa akin na basted silang lahat.
Alex: “Ewan ko ba.. Paano napasagot ni Paolo yun..”
Ah. So yun pala si Paolo. Boyfriend ni Larisse.. Ano??! May boyfriend na siya?
Alex: “Si Paolo.. Pinsan ko yun.. Ka-age din natin.. Nakita niya yung isang picture na meron ako na kasama ko si Larisse.. Mula noon kinukulit-kulit niya ko sa number niya.. Deadma lang ako kasi kilala ko si Paolo.. Chickboy yun sobra.. Hindi ko alam kung paano pero nakuha pa rin niya yung number.. Sinabi lang sa akin ni Larisse na nagtetext sa kanya.. Ako naman.. Deadma ulit. Kasi di ba wala nga siyang sinasagot sa mga nanliligaw sa kanya? Kaya grabe.. nagulat ako nung nalamang kong sila na ng mga May ata bago mag-third year.. Gulat talaga ko nun. Pero nung nakita ko naman si Larisse, masaya naman siya. Mga August kasi umalis na ko ng Pilipinas, at lumipat sa Canada. Kaya wala na akong nabalitaan sa kanila. Nalaman ko na lang by September, break na sila.. Sino nakipagbreak? Si Paolo.. Grabe talaga.. Kung hindi ko lang siya pinsan.. Naku po..”
Kahit di ko pa nakikita yung Paolo na yun. Gusto ko nang sapukin.
Alex: “Sobrang guilty nga ko eh.. Kasi parang ako may kasalanan kung bat nakilala ni Paolo si Larisse.. Saka dapat sinabihan ko na agad si Larisse o kaya pinigilan ko na si Paolo.. Basta..”
“Ano ka ba? Sadyang sira-ulo lang talaga yung pinsan mo..” Tapos ngumiti si Alex.
Biglang tumunog yung cellphone ni Alex. Kinuha niya tapos binasa. Ngumit siya.
“Bakit?”
Alex: “Ha.. Wala.. Tignan mo to.. Sabi kasi.. Parang Based sa isang study ang number 1 na hinahanap ng mga lalaki ngayon, beauty inside and out.. yung mga babae naman.. sense of humor.. Wala lang.. Tapos ka na kumain? Halika na?”
Tapos tumayo na kami at lumabas ng McDo.
Sense of Humor daw? Hmmm.. 
This entry was posted on 5:44 PM
and is filed under
x chapter 30
.
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
0 comments:
Post a Comment