Chapter 33:
Pagdating ko sa bahay tinext ko agad si Stephen. Tong mga to talaga.
To: Stephen
Hoy! Ano na nmang gnawa nyo at pnbgay nyo kay Larisse yng flowers?
Tapos sinend ko na sa kanya. Maya-maya nagreply naman agad.
From: Stephen
Ha? Anong Flowers?
Aba. Kunyari pa to ah.
To: Stephen
Pg d ka umamin, tatawagan ko si Vina. Patay k dun.
Si Vina yung girlfriend ni Stephen dati.
Nagreply naman agad.
From: Stephen
So nagustuhan niya ba yung flowers? hehe.
Sabi ko na nga ba eh. Yung mga yun talaga.
Umakyat na ako sa kwarto ko. Inayos ko na yung mga gamit ko. Sira na pala yung zipper nung bag ko kaya di masarado ng maayos eh.
"Haay.." Naalala ko na naman si Larisse. Isusulat ko nga yung mga nangyari ngayon. Hinanap ko yung blue na notebook ko sa desk ko. Wala naman. "Nasan na yun?!" Bumaba ako. Tinanong ko si Ate Tess. "Ate Nakita mo ba yung blue na notebook ko sa taas?"
Ate Tess: "Hindi eh.. Di ako nakapaglinis ngayon diyan.."
"San na kaya napunta yun.." Kinabahan ako bigla. Dinala ko ba siya sa school? Hindi ko na kasi matandaan. Nagmamadali na kasi ako. Pano kung nadala ko nga? Hinalungkat ko na naman yung gamit ko sa bag ko. Pero walang blue na notebook.
"Sa bagay.. wala namang nakasulat na pangalan dun.."
Humiga ako sa kama. "Kaso sayang.. sayang yung mga naisulat ko.." Maya-maya nakatulog na ako.
Late na ako nagising. Mga 7:00 na ata. Wala na sina Mama saka Papa. Nagbreakfast ako mag-isa. Naligo at nag-ayos tapos direcho school na. As usual, direrecho na naman ang class ko kaya heavy breakfast ang kinain ko.
Sumakit pa ang ulo ko pagkatapos ng Math ko. "Grabe yun ah.." Nag-exam kasi kami, first exam pa man din. Halos mga 15 items ata yun pero worth 65 points all in all. Sana naman ayos yung grade ko dun.
Mga 3:30 natapos yung last class ko. Nagdadalawang-isip pa ako kung dadaan akong tambayan. Pero in the end, dumaan na rin ako. Naabutan ko lang na kapwa ako applicant din, sina Leila sak Larisse. Wow. Ganda naman ng araw ko.
"Uy.." Bati ko.
Tinignan lang nila akong dalawa tapos bumalik sa ginagawa nila. May binabasa ata sila. Ayoko namang makiosyoso baka kung ano pang sabihin nila.
Leila: "Ang sweet.. Siguro yan din yung nagbigay sayo ng flowers.."
Pagkarinig ko palang nun. Kinabahan na naman ako. Ano na naman to?!
Biglang dumating si Stephen. Hinila ko papalayo.
"Ano na namang ginagawa niyo?"
Stephen: "Ha?"
"Di nga?"
Stephen: "Wala.. Wala akong alam diyan.."
Lumapit kami ulit kina Larisse.
Stephen: "Ano yan.." Sabay turo dun sa binabasa nila.
Leila: "Parang personalized card para kay Larisse.."
Tapos binasa niya.
"The first time I saw you.. Your smile made my heart beat faster as it could.. Each day, Each night you never left in my mind, my sight.. and in my heart.."
Stephen: "Okay ah.."
Tapos biglang bumulong sa akin si Stephen.
Stephen: "Hindi ako gumagawa niyan.."
"Alam ko.."
Galing yun sa notebook ko eh..
This entry was posted on 5:19 AM
and is filed under
x chapter 33
.
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
0 comments:
Post a Comment