Chapter 35:
Hinga ng malalim. Magsasalita sana ko.. Kaso naunahan niya ko..
Larisse: "Naku.. nagtext si Stephen.. May sakit daw siya.."
Pag wala talagang sakit si Stephen, patay sa akin yun.
"Oo nga eh.. Pano yan?"
Larisse: "Hmm.. okay lang naman sa akin magcommute eh.."
"Sige, punta na tayo sa may sakayan.. Isang sakay lang naman papunta dun tapos tricycle ata.. Yun yung sabi ng tumawag ako.."
Larisse: "Tara.."
Naglakad kami papuntang sakayan. Mahaba-haba rin yung pila. Nung dumating na yung taga-kulekta ng bayad, binigay ko na yung 20 pesos. "Manong dalawa ho." Tapos napatingin sa akin si Larisse.
Larisse: "Naku.. Nakakahiya.. Ako na lang magbabayad sa tricycle mamaya.."
"Okay lang yun.. Sisingilin ko naman si Stephen kasi siya dapat transpo di ba?" sabay tawa siya. Sisingilin ko talaga yung Stephen na yun. Naku po.
Sumakay na kami ng jeep. Tapos bumaba dun sa may mga tricycle. "Kuya dun po sa may Children's Paradise." Yun yun pupuntahan naming orphanage. Titignan naman kung pwede kami dun mag-organize ng outreach.
Binaba kami dun sa may kanto. Medyo masikip na yung daan papunta dun kaya di na kasya yung tricycle. Inunahan ko na magbayad si Larisse. Nakakahiya naman kung siya pagbabayarin ko. Sabi nung driver, direchuhin lang namin yung daan. Naglakad-lakad kami nang biglang..
AAARFF.. AARF. ARF..
Larisse: "Toph.."
Napatigil kaming dalawa. Nagulat ako biglang humawak si Larisse sa sleeves ng shirt ko. Nagtawag pa ng backup. Biglang may lumabas pang isang aso. Lumakas tuloy yung tahol nila.
"Huwag ka tatakbo.."
Dalawang kamay ni Larisse na yung nakahawak sa left arm ko, di na sa shirt ko. Ang higpit nga nung hawak niya eh. Rinig na rinig ko na yung paghinga niya eh. Takot na takot siya.
Larisse: "Ta-takot ako sa a-aso.."
"Di naman siguro tayo kakagatin niyan.. Dahan-dahan lang tayo maglalakad.."
Dahan-dahan kaming naglakad kaso palakas ng palakas yung tahol nila. Naramdaman ko na lang biglang bumitaw sa pagkakahawak sa akin si Larisse.
Tumakbo siya!
"Larisse!!"
Hinabol tuloy siya ng aso. Napatakbo tuloy ako para habulin sila. Biglang lumabas yung isang lalaki dun sa isang gate. "Blackie.. Brownie.." Tapos tumakbo papasok yung mga aso dun sa gate. "Pasensiya na.." Sinarado niya yung gate. Lumingon ako.
"Nasan na siya.." Pagtingin ko sa kaliwa nandun siya.
Hala. Tumakbo agad ako para puntahan siya.
"Anong nangyari.."
Larisse: "Toph, ang sakit.." sabay turo niya dun sa paa niya. "Natapilok ako nung tumakbo ako eh.."
Kinarga ko siya. "Pano yan?" Pagtingin ko dun sa dulo ng kalsada may naka paskil na CHILDREN'S PARADISE, "DIto lang pala.." Pumunta kami dun sa may gate. "Tao po?" Tapos maya-maya may lumabas na babae. "Nandiyan po ba si Ms. Vergel?" sabi ko. "Ako nga.. Sino sila?"
"Kami po yung tumawag nung isang araw.."
Ms. Vergel: "Ganun ba? Pasok kayo.. Dali.. Teka, anong nangyari?"
"Natapilok po siya kasi hinabol kami ng aso.."
Pinaupo kami dun sa sofa nila sa loob.
"I-stretch mo nga yung kaliwang paa mo.." Nilagay ko yung paa niya sa lap ko at dahan-dahan kong inikot.
Larisse: "A-aray.. ang sakit talaga.."
"Pasensiya na ah.."
Larisse: "Ano ka ba.. wala ka namang kasalanan eh.."
Inikot-ikot ko yung paa niya ng mga ilang minuto din. "Okay na?"
Larisse: "Medyo okay na.."
Tapos maya-maya minasahe ko ng konti. Bigla naman akong tinadyakan!
"O Bakit? Okay ka lang?"
Larisse: "Ano kasi.. may.. may ano ako sa talampakan.."
"Ha? May kiliti ka?" Tapos napangiti ako.
Larisse: "Bakit? Ang yabang mo ah.. Bat ikaw wala kang kiliti?"
"Wala naman akong sinasabi ah.." Tapos nakangiti pa rin ako.
Bigla niyang binaba yung paa niya tapos nilapitan ako. Kiniliti ba naman ako sa bewang.
"Wala akong kiliti.."
Larisse: "Ah ganun ah.."
Tapos nilagay niya yung kamay niya sa leeg ko.
"Larisse..Larisse!! Wag diyan.."
Ms. Vergel: "Juice o.."
Umayos kaming dalawa nung dumating si Ms. Vergel.
Ms. Vergel: "Teka, kunin ko lang yung planner ko kung kailan kayo pwede dumalaw dito para sa outreach niyo.."
Umalis siya tapos. Naiwan kaming dalawa dun. Tumingin ako sa kanya.
"Sino kaya may kiliti sa paa.."
Larisse: "Ang kapal mo ah.." Tapos tumawa siya. Tumingin siya sa akin.
Larisse: "Thank you ah.. Buti na lang kasama kita.."
Ngumiti ako.
"Same here..."
This entry was posted on 5:20 AM
and is filed under
x chapter 35
.
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
0 comments:
Post a Comment