Chapter 42:
Nagbihis na ako ng panlabas at nag-ayos. Bumaba ako at pinuntahan si Alex.
“Sorry ah.. Di ko kasi alam na nasa baba ka..”
Alex: “Uhmm.. Okay lang..”
Parehas kaming natahimik.
“Uh.. So.. Halika na?”
Alex: “Sige.. Tara na..”
“Sino ba gusto mong interviewhn?”
Alex: “Naisip ko yung guard niyo sa village..”
“Okay.. Lakad na lang tayo papunta dun..”
Alex: “Okay lang..”
Habang nalalakad kami, tahimik lang.
“Uh.. So Okay ba?”
Alex: “Anong okay?”
“Pwede na bang pang-model yung katawan ko?” 
Tumawa siya. Buti naman kasi nakakabasag tenga yung walang nagsasalita sa amin eh.
Alex: “Asa ka pa..” 
“Bakit ba? Malay mo..”
Alex: “So.. mustah na ang the moves mo ha? Umaabante ba naman?” 
“Haay.. naku.. kayo kasi.. Pero okay naman..”
Tapos kinuwento ko yung ginawa ko.
Alex: “Aba.. nag-iimprove ka ng.. uhmm.. konti..” 
“Hanggang dito pa lang kayo ko.. Di ko pa kaya sa ngayon na alam mo na.. sabihin sa kanya..” 
Nilapitan namin yung guard. Nagtanung-tanong kami. Tapos nag-video kami sa mga usual na ginagawa niya. Bukod sa kanya, nag-interview din kami ng Metro-Aide tapos isang teacher dun sa malapit na pre-school sa amin. May nakilala kaming panadero din tapos ininterview din namin.
Pagtingin ko sa relo ko. 11:00 na halos.
“Tara, balik muna tayo sa bahay.. Dun ka na maglunch..”
Alex: “Ha? Uh.. Okay lang ba sa inyo?”
“Sus.. Okay lang yun.. Mas gusto nga ni Ate Tess yun.. Mas maraming kumakain ng luto niya..”
Nakarating kami sa bahay ng mga 11:30. Nakahain na yung pagkain sa table.
Alex: “Uh.. Toph.. San ba yung CR?”
“Direcho ka lang.. Tapos kaliwa..”
Ako naman… kumuha ng tubig sa may kitchen. Tapos sinundan ko si Alex. Pagtingin ko naman sa CR. Walang tao.
“Ha? Nasan na yun?”
Nagulat ako biglang may kumatok dun sa loob ng pintuan at sa may katapat.
“Hala.. Wag mong sabihing..”
Alex: “Help.. Na-lock ako.. Tulooong!!” 
Lumapit ako sa pinto.
“Alex?? Wait lang..”
Sinubukan kong buksan yung pinto pero ayaw pa rin.
“Teka ah.. Kunin ko lang yung susi..”
Hinanap ko yung susi. Kaso isang bungkol ng mga susi yung nakasabit dun! Ano ba naman to?!
Kailangan ko pa isa-isahin. Bumalik ako sa may pinto at inisa-isa yung mga susi.
Alex: “Bilisin mo.. Ang dilim kaya dito!” 
"Hala ka.. May mumu pa naman diyan.." 
Alex: "Ah ganun ah.. patay ka sakin pag nakalabas ako dito.."
“Bat ka naman kasi napunta diyan ah..”
Alex: “Malay ko ba.. Pumasok ako dito tapos biglang nagsara yung pinto?!”
“Eto na.. Eto na..”
Maya-maya nabuksan ko yung pinto.
Alex: “Haay.. Salamat..”
“Ayan.. Okay na.. Halika na nga..”
Alex: “Uh.. Wait.. Kaninong gitara yun? Nag-gigitara ka?”
Sabay turo niya dun sa gitara sa dulo ng kwarto.
“Hindi na masyado eh.. Hindi sa akin yan.. sa kuya ko..”
Lumapit ako at kinuha yung gitara. Medyo inaalikabok na. Pero sinubukan kong tugtugin.. gumagana pa naman.
Alex: “Tara.. Tamang-tama ikaw tumugtog mamaya..” 
“Ha? Ayoko nga.. Saka ano..”
Alex: “Sige na.. Wala ka namang gagawin dito eh..”
“Uh..”
Tapos hinila ako ni Alex kaso biglang ..
*BLAG*
Nabunggo niya yung isang box, nahulog tuloy yung laman.
Alex: “Oops.. Sorry..”
Tapos inayos niya at nilagay ulit sa loob.
“Wait.. Ano ba yan?” 
Tinignan ko kung ano..
Alex: “Ewan ko.. Parang mga sulat..”
Tinignan ko yung sinasabi niyang sulat.. Nagulat ako nung nabasa ko yung sobre..
“To: Lester… From: Pia..”
This entry was posted on 5:32 AM
and is filed under
xx chapter 42
.
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
0 comments:
Post a Comment