Chapter 47:

Stephen: “Talaga naman.. Alam mo yung reaksyon mo kanina? Ang kulet pare.. Ano bang akala mo.. hahalikan ka niya? hahaha.”

Sabay tawa siya. Sabi ko na nga ba eh. Bat kasi di pumasok yung prof. ni Stephen?? Haay naku. Eto palakad na kaming dalawa. Naiwan si Larisse sa may tambayan. Papunta na kaming next class namin.

“Hinde ah.. Nagulat lang ako..”

Stephen: “Kunyari ka pa.. haha..”

“Sige.. Dito na ko..”

Stephen: “Sige.. Di ko talaga makakalimutan yung eksena mo kanina.. hahaha..”

“Sus.. magtigil ka nga..”

Pumasok na ako sa room. Wala pa yung prof ko. Pero as usual nandun na ang mga ka-group ko.

Mara: “Ano nangyari? Marami ba kayong nainterview kahapon?”

“Oo marami-rami din.. Saka kinuhan rin namin ng video yung event kahapon..”

Emm: “Nagpunta ka? Kayong dalawa?”

“Oo.. Masaya nga eh..”

Maya-maya dumating na si Alex.

“Uh.. Alex!”

Alex: “Bakit?”

“Nasabihan bo yung tita mo?”

Alex: “Naku po.. sorry.. nawala sa isip ko talaga.. Pero di naman aalis ng bahay yun kasi mag-aayos na ng gamit yun dahil bukas na alis niya..”

“Ganun ba..”

“Good afternoon, class..”

Biglang pumasok yung prof. namin sabay patong ng mga gamit niya sa table. Ngumit siya.

Ma’am J: “Gusto ko lang mag-thank you sa mga nagpunta kahapon.. Sobrang natuwa yung mga lolo’t lola sa ginawa natin..”

Nagulat ako nung tumingin ng direcho sa akin si Ma’am.

Ma’am J: “At syempre, palakpakan natin si Mr. Delgado.. Ilang beses siya tumugtog dahil panay request nila.. At saka magaling din pala siya mag-magic tricks ah.. turuan mo nga kami..” sabay tawa siya. “Pati rin si Ms. Santillan na kaduet pa ni Mr. Delgado....”

Nagkatinginan kami ni Alex sabay ngiti. Patuloy na nagsalita at nag-thank you si Ma’am sa mga nagpunta. Enjoy naman talaga kahapon eh. Nakakalungkot lang na pinabayaan sila ng mga pamilya nila.

Pagkatapos nag-discuss lang ulet si Ma’am. Pagkatapos kaming idismiss, nilapitan ko si Alex.

“Uwi muna ko saglit.. tapos punta ko sa inyo..”

Alex: “Sige.. text text na lang..”

Sumakay na ako ng jeep at direchong uwi na sa bahay. Kumain muna ako at nagmeryenda. Nagpalit ako ng t-shirt at naghilamos. Tinignan ko yung wall clock.

“5:30 na.. punta na siguro ko..”

Maya-maya biglang nag-vibrate yung phone ko. Pagtingin ko, si Alex? Tumatawag. Sinagot ko nga.

“Hello?”

“Toph.. Si Alex to.. Kasi ganito.. Wala si tita dito eh.. Ewan ko nga eh.. sabi nung maid di nagsabi kung saan..”

“Ano? Sige.. Text mo na lang ako ulet..”












*DING DONG*

Mama: “Ako na sasagot nun..”

Binuksan ni Mama yung pintuan.

Mama: “Sino sil..”

Nagulat ako bat parang natulala ata si Mama. Nilapitan ko siya.

Pagtingin ko..


















Yung tita ni Alex.

Si Ate Pia.