Chapter 48:
“Ma?”
Ate Pia: “Hello po.. Di ko lam kung bakit pero sobrang familiar nitong place na to.. Teka.. Di ba kaw yung kaibigan nung pamangkin ko?”
“Pasok po kayo..”
Mama: “Sige.. kukuha lang ako ng maiinom..”
Umupo kami dun sa may living room. Maya-maya bumalik si Mama na may dala-dalang isang pitsel ng iced tea.
Ate Pia: “Alam ko po ang weird.. You must think I'm crazy.. pero basta nung napadaan ako dito.. Parang may nagsabi sa akin na bumaba ako.. Ang hirap po i-explain.. Kasi ang alam ko may mga bagay akong hindi maalala eh.. Kasi nagsakit po ko tapos.."
“Nagka-sakit ka sa brain.. tumor.. pero inoperahan ka.. kaso ang side-effect nun amnesia.. tapos dinala ka sa Canada..”
Ate Pia: “Pano mo nalaman yun..”
Tumayo ako at kinuha ko yung box.
Mama: “San mo nakuha yan.. Bat ngayon ko lang nakita yan?”
“Siguro, hindi lang natin napapansin kasi nasa kwarto eh nakatambak.. You mean di mo alam na nagkasakit siya..”
Mama: “Hinde eh.. Wala kasing nababanggit si Lester sa akin.. Ayoko namang itanong yun tungkol sa kanya.. Alam mo naman may sakit na rin siya nun..”
Inisa-isa niyang basahin yung mga sulat.
Ate Pia: “Oh my.. Lester? Sino siya? Boyfriend ko?”
Nagkatinginan kami ni Mama.
Ate Pia: “Nasan na siya?! Kailangan ko siya makita.. After all these years..”
Mama: “Wala.. Wala na siya..”
Ate Pia: "Asan.. Lumipat na ba siya?"
Iniabot ko yung huling sulat ni Kuya Lester sa kanya.
“Here.. Hindi na niya napabigay sayo..”
Habang binabasa niya yung sulat, kita ko yung pagpatak ng luha niya.
“He died.. the same day you were about to undergo your operation..”
Tahimik lang kami. Pinagmamasdan namin siya habang umiiyak.
Kinubukasan, pagkatapos ng klase. Dumirecho uwi na ako. Nagbihis ako at sabay-sabay kaming pamilyang pumunta sa puntod ni kuya. Kasama namin si Ate Pia.
Ate Pia: “Now I know why I had the feeling I have to go back here.. Di pa kasi nakukumpleto yung identity ko.. Ngayon.. Kumpleto na..”
Mama: “He loved you so much..”
Ate Pia: “Alam ko po..”
Pinikit niya yung mga mata niya.
Ate Pia: “Nararamdaman ko..”
Niyakap namin si Ate Pia isa-isa. Pagkatapos nun, inihatid namin siya sa airport.
“Bye.. Ingat ha..”
Ngumiti siya.
Ate Pia: “Ingat.. Siguro pagbalik ko may mga asawa na kayo..”
“Let’s see..”
Ate Pia: “Dapat pag nakita mo na yung taong sa tingin mo para sayo.. Mahalin mo siya.. Ipadama mo.. Parang ginawa ng kuya mo..”
Sabay kindat niya.
“Oo naman.. mana ako kay kuya eh..”
Tapos naglakad siya at hinintay namin hanggang sa makapasok na siya sa loob.
Marielle: "Tara na.."
Habang naglalakad kami pabalik ng kotse biglang parang may dumaan na malamig na hangin.
Marielle: "Ang lamig.. Ramdam mo yun?"
Huminga ako ng malalim.
Tapos na kuya.
Everything's fine now.
This entry was posted on 5:41 AM
and is filed under
xx chapter 48
.
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
0 comments:
Post a Comment