Chapter 49:

Magtatatlong linggo na rin ang lumipas mula nung nakaalis si Ate Pia. Gumaan yung pakiramdam ko pagkatapos nun kasi alam ko eto yung gustong mangyari ni kuya. Maliwanagan ang lahat at yung maalala ni Ate Pia ang lahat.

Tumingin ako sa relo ko.

“4:15 na.. Anong oras ba yung meeting sa tambayan?”

Stephen: “4:30 ata.. Makakahabol pa tayo..”

Nagmamadali kaming maglakad ni Stephen. May meeting kasi kami. Tungkol ata sa outreach. Napag-usapan kasi namin na sa Sabado yung tentative date. Three Days from now.

Pagdating namin dun, di pa naman nagsisimula. Wala pa si Hannah eh. Umupo kami sa tabi nina Jeffrey. Sa tapat namin, kita ko si Larisse may hawak-hawak ulit na teddy bear.

Stephen: “Aba.. Pang-ilan na ba yan ah?”

Leila: “Di na nga mabilang eh.. Basahin mo nga..”

Larisse: “Hmm.. Number 10: My heart just can’t stop shouting your name… 9 teddy bears more to go..”

Stephen: “Okay ah..”

Hannah: “Naku.. guys.. sorry medyo late ako.. So ganito, nakipag-usap na kami dun sa orphanage bale sa Saturday daw pwede kung gusto natin, okay ba sa inyo?”

Umoo naman halos lahat kasi kakatapos naman ng mga exams. Pinag-usapan yung oras kung what time magkikita-kita sa school para sabay-sabay na pupunta dun. In the end, nafinalize na 7:30 am na lang pupunta dun.

Sabado.

Tumingin ako sa relo ko.

“7:30 ah.. Eh mag-aalas-otso na..”

Stephen: “Alam mo na.. Ganyan naman talaga eh.. May palugit..”

Maya-maya nagsidatingan na rin yung iba. Sabay-sabay na kaming nagcommute papunta dun. Kanya-kanyang dala ng utensils, saka yung mga ipapakain namin sa kanila pati na rin yung mga laru-laruang binili namin panregalo sa kanila.

Pagdating namin, inayos at nilapag na namin sa table yung mga pagkain. Binubuksan ko yung isang box ng Zesto dun nung nakita ko si Larisse, bitbit-bitbit yung isang bilao ng pansit. Tumakbo ko para lapitan siya.

“A-Ako na..”

Larisse: “Naku, Thank you ah..”

Ngumiti ako.

Nung nakaayos na kami saka pinalabas ni Ms. Vergel yung mga bata dun sa pagdadaausan namin ng mga activities. Umupo muna sila at nagsalita si Hannah.

Hannah: “Hello! Ako si Ate Hannah. Kami lahat dito mga ate at kuya niyo. Magpapalaro kami ng mga games. Gusto niyo yun di ba?”

Kids: “Opoooo..”

Hannah: “Okay.. Ang first game natin.. Bring me.. Alam niyo ba yun?”

Kids: “Opoooo..”

Hannah: “Sige.. Basta walang tulakan ah.. Bring me. Uhmm.. Isang panyo..”

Takbuhan na naman yung mga bata. Kanya-kanyang kuha ng panyo.

Hannah: “Galing ah.. Bring me.. Isang sinturon..”

Yung iba. Pinagkukuha yung mga belt namin. Ang kukulit nga nila eh.

Hannah: “Wow.. Eto naman.. Bring me.. Yung Pinakamagandang ate..”

Nagsitakbuhan lahat ng mga bata. Kanya-kanyang hila dun sa mga girls, kina Leila.. Larisse atbp. Tawa kami ng tawa eh.

Stephen: “Ano naman.. Pinakagwapong kuya.. Ako! Ako!”

Tawanana kaming lahat.

Hannah: “Ngayon naman.. Ganito ah.. Hanap kayo ng ate saka kuya niyo para makapartner.. Dahil madami kayo.. Bawat isang kuya o ate.. dalawang bata.. Okay?”

Takbuhan na naman. Hila dito. Hila diyan. Maya-maya may kasama na akong dalawang bata.

Twins.

“Hello.. Anong mga pangalan niyo..”

“Jennifer po.”

“Jennica po.”

“Ahh.. Ilang taon na kayo?”

Jennifer: “Mag-eeight na.. di ba ate?”

Jennica: “Oo..”

“Mas matanda ka?”

Jennica: “Opo. By 4 minutes daw..”

“Nasan na parents niyo..”

Jennifer: “Di namin alam eh.. Sabi ni Nanay babalikan naman niya kami..”

“Ilang taon na ba kayo dito..”

Jennica: “Mag-one year na po..”

Napatingin ako sa kanilang dalawa. Naawa ako. Ang babata pa nila.

Hannah: “Ngayong may kasa-kasama na kayo. Games ulit. The boat is sinking naman.”

Hannah: “Uhmm.. The boat is sinking.. Group yourselves by 9..”

Takbo naman kaming tatlo. Hanggag sa.. Nakagrupo namin sina Larisse saka Jeffrey.

Jeffrey: “Kakapagod to ah..”

Larisse: “Hinihingal na nga ako..”

Hannah: “Group yourselves by.. six..”

Nagsitakbuhan na naman ulit. Tumakbo papaalis sina Larisse tapos tumigil tapos humarap ulit.. kaya..

*DUG*

Larisse: “Aray..”

“Aray..”

Larisse: “I’m sorry..”

“Okay lang.. Napango lang yata yung ilong ko.”

Tumawa si Larisse.

Sabay hawak ko sa ilong ko. Ang sakit nun ah. Tumama ba naman yung noo niya sa ilong ko.

Nagulat ako nung hinawakan nya yung mukha ko. Pakiramdam ko naninigas ako.

Larisse: “Upo ka muna siguro..”

“Siguro nga..”