Chapter 53:
Stephen: “Mag-aalas-sais na pala ah..”
“Oo nga no.. Ang dami na rin nating nasakyan ah.. Konti lang kasi ang tao ngayon..”
Leila: “Teka.. Ayun o.. Wala na masyado nakapila.. Space Shuttle tayo..”
“Sige ba..”
Larisse: “Kayo na lang.. Ma-maiiwan na lang ako..”
Nilapitan ko siya.
“Bakit? Natatakot ka ba?”
Larisse: “Di ko ata kaya..”
“Safe naman yan.. Don’t worry..”
Larisse: “Natatakot ako eh..”
“Sige.. guys.. kayo na lang samahan ko na lang siya dito sa labas..”
Stephen: “Okay.. tara..”
Pumasok na yung iba sa loob.
Larisse: “Nakakahiya.. nagpaiwan ka pa.. kaya ko naman mag-isa.”
“Okay lang yun..”
Larisse: “Nakasakay ka na ba diyan dati?”
“Oo.. Okay naman.. Kakatakot lang sa una pero pag natry mo na.. di na masyado..”
Napansin ko huminga ng malalim si Larisse.
Larisse: “Sige na nga.. Tara.. Sakay na rin tayo..”
“Sigurado ka ah..”
Pagdating namin, pasakay na sila buti na lang nakahabol kami. Pagkatapos sumakay..
Larisse: “Wow.”
“Sarap no.. Ang bilis..”
Larisse: “Akala ko mawawalan ako ng hininga..”
Stephen: “Nasakyan na ata natin lahat ah..”
“Di pa lahat.. Yung Ferris Wheel di pa..”
Alex: “Uh.. Wag na yun.. Ang dami na nating nasakyan eh..”
Stephen: “Oo nga.. Ferris wheel pa.. Tara..”
Pumunta kami dun sa may ferris wheel at pumila. Napansin ko nakatingala si Alex sa Ferris Wheel.
“Okay ka lang.. Alex?”
Alex: “Uuhh.. O-Okay lang..”
Leila: “Uy.. sakay na..”
Ako, si Larisse saka si Alex yung papasok na sa loob.. Pasarado na nga nung operator eh..
RIIIIINNNGGG
Sinagot ni Larisse yung phone niya.
Larisse: “Hello.. po? Ganun po ba? Sige po..”
“Sino yun?”
Larisse: “Naku, kailangan ko na umalis.. Nandiyan na si Daddy eh..”
Alex: “Di ba pwede after na lang nung ride?”
Larisse: “Kailangan ko na umalis eh.. Kuya.. pwede pabukas naman..”
Nilapitan kami nung operator at binuksan. Palabas na sana si Larisse nung hinawakan ko yung kamay niya.. Napalingon siya.. Binitawan ko agad..
“Gu-Gusto mo hatid kita?”
Larisse: “Naku.. Okay lang ako..”
“Uh.. Ingat..”
Ngumiti siya.
Larisse: “Thanks.. I had a great time with you guys..”
Tapos lumabas na siya. Binati niya si Stephen palabas. Pinanood ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Haay..
Nagulat ako biglang kumanta si Alex. Tinakpan ko nga yung bibig niya.
Alex: “Di ko kayang tanggapin na mawawala ka na sa akin.. Napakasakit na tanggapin..”
“Ano ka ba..”
Binitawan niya yung kamay ko.
Alex: “Pweee.. Bat mo tinakpan yung bibig ko.. Bakit nasira ko ba yung moment mo ha? Hahaha..”
Maya-maya umandar na yung ferris wheel. Kaming dalawa na lang yung naiwan sa loob. Tumingin ako sa labas.
Ang ganda. Gabi na kasi kaya nakailaw na lahat.
“Ang ganda o..”
Pagharap ko kay Alex..
“O bat nakapikit ka..”
Alex: ‘Uh.. Wala lang.”
“Aaaah.. Takot ka sa Heights no..Hala.. Ang taas o.. Grabe..”
Pero nakita ko talaga takot na takot siya. Nanginginig pa nga eh.
“Uy.. Okay ka lang.. Dapat sinabi mo kanina para di ka na sumakay..”
Alex: “Nakakahiya eh..”
“Bat sa Space Shuttle sumakay ka?”
Alex: “Ewan ko.. Okay lang naman sa akin yung ganun eh.. Pero yung mga ganito.. Di talaga ako sumasakay.. Di ako makatingin sa baba..”
*DDDDDDDUUUGGG*
Nagulat kami biglang tumigil yung ferris wheel. Nag-jerk pa nga ng onti yung sinasakyan namin.
Alex: “A-ano yun?!”
Tumingin ako sa baba. Nakita ko tumakbo yung operator palabas.
“Uh.. I think there’s something wrong.. We’re.. uuhh.. stuck here?”
Bumukas agad yung mata ni Alex.
Alex: “Ano?!!”
This entry was posted on 5:56 AM
and is filed under
xx chapter 53
.
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
0 comments:
Post a Comment