Chapter 62:
Mama: “Uy.. Kain na..”
Lumapit kaming lahat pati yung iba pang mga anak nung mga kaibigan nina Papa. Buti naman nahimasmasan na si Alex. Pero diyahe talaga yun, napagkamalan ko siya. Haaay..
Stephen: “Ang daming pagkain.. Sarap..”
Ang dami ngang pagkain, di mo alam kung ano uunahin mong tikman. Pagkatapos kumain, naglakad-lakad ako. Naisipan kung magpulut-pulot ng mga kahoy.
Marielle: “Anong ginagawa ni Kuya?”
Stephen: “Pagpasensiyahan mo na ang utol mo.. Tatakbong presidente yan ng Save Mother Earth Campaign..”
Tawanan naman sila.
Pagkatapos magpulut-pulot ng kahoy, dinala ko at nilapag ko dun sa may tabing-dagat. Nagkiskis ako ng dalawang kahoy hanggang sa makagawa ako ng apoy. Ang kinalabasan? Bonfire. Boyscout ata to noon.
Pagkatapos, umupo ako dun sa ilalim ng puno ng niyog at sumandal.
“Haaay..”
“Pssst..”
Lumingon ako sa kaliwa ko. Pagtingin ko kung sinong nakatayo..
Si Alex.
Alex: “May pabonfire-bonfire ka pa diyan.. Kala namin kung anong ginagawa mo..”
Ngumiti ako. Maya-maya umupo siya at tinabihan ako. Tahimik lang kaming dalawa.
Alex: “May problema ka ba?”
“Kunyari ka pa.. Sinabi na sayo ni Stephen no?”
Huminga ng malalim si Alex.
Alex: “Okay lang yan..”
“Sana nga ganun kadaling sabihin..”
Alex: “At least you have told her..”
“Siguro..”
Alex: “You really like her..”
“Oo naman.. Mahigit isang taon din no..”
Tapos nagtapon ulit ako ng kahoy dun sa bonfire.
Narinig ko bumulong si Alex.
Alex: “Ang swerte naman niya..”
“Anong sabi mo?”
Alex: “Ah sabi ko ganda ng sunset kanina noh?”
“Ah.. Pasensiya ka na pala kanina ah.. Sobrang nagulat kasi ako eh..”
Alex: “Mas lalo naman ako noh?! Sumigaw ka ba naman?”
Tapos tumawa kaming dalawa.
Tahimik lang kami habang nakatingin dun sa apoy.
Alex: “Alam mo lahat naman napagdadaanan yung nararamdaman mo eh.. Lahat.. Pati ako..”
“Bakit ano nangyari?”
Tumahimik siya.
“Sorry.. Okay lang kahit di mo na sabihin..”
Tumingin siya sa akin tapos ngumiti.
Alex: “No.. it’s okay.. matagal naman na yun eh..”
Tumingin siya ulit sa bonfire.
Alex: “Kasi.. Noong third year ako.. Lumipat kami.. Nahirapan din ako nun kasi di ba.. Bagong lugar.. Bagong country.. Bagong mga mukha.. Lahat nag-iba.. Tapos.. Ayun.. nakilala ko siya.. Ian yung name niya.. Filipino-American siya.. Ang bait niya.. Maaalalahanin.. Siya ang tumulong sa akin para mag-adjust.. Nung una, kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.. Pero ewan ko ba.. Unti-unting nahulog yung loob ko sa kanya.. Alam mo yun.. Hanggang sa isang araw nakita ko siya may kahalikang isang babae.. Ang sakit nun sobra.. Naging sila pala nung babaeng yun nung araw na yun.. Haay.. Never naman niya nalaman na nagkagusto ako sa kanya.. Friends pa rin naman kami.. Nahirapan din ako nun.. Iniiyakan ko siya.. Kaya di ka nag-iisa sa narara---”
ZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzz
“Toph?!”
Inalog-alog ako ni Alex.
“Nagkukuwento ko dito tapos… Hmmphh… Tulugan daw ba ko??”
Tinignan ako ni Alex. Ngumiti siya.
Alex: “Ang cute mo pala pag tulog.."
Tinakpan ni Alex yung bibig niya. Napapikit siya.
Alex: "Ano bang pinagsasabi ko.. Oh no.. May.. may nararamdaman na ata ko para sa kanya... Di to pwede.. Not.. Not again..”
“Ah.. Ehem..”
Nanlaki yung mga mata ni Alex. Lumingon siya.
Alex: “Ka-kanina ka pa diyan??”
Stephen: “Slight?”
Tumayo si Alex.
Alex: “Uh.. Sige.. Mauna na ako..”
Tapos naglakad palayo si Alex. Biglang sumigaw si Stephen.
Stephen: “Huwag ka mag-alala.. Wala akong narinig!!”
This entry was posted on 5:57 PM
and is filed under
xx chapter 62
.
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
0 comments:
Post a Comment