Chapter 69:

Nag-stay kami ni Stephen sa canteen hanggang mga 3:30 pm.

“Anong oras ba yung meeting?”

Stephen: “4 pm daw.. Ano punta na tayo dun?”

“Sige..”

RIIIIIIINGGG

Tinignan ko yung phone ko. Naka-off naman?

Stephen: “Hello?”

Akala ko sa akin. In-on ko yung phone ko. Nagbukas naman. Nagvibrate bigla.

1 message received



Opening..
































Battery Empty!!

Nagulat ako biglang namatay yung phone ko. Wala na pala akong battery. Bad trip naman nakalimutan ko palang mag-charge kagabi.

Stephen: “Tara na?”

Pagdating namin sa tambayan, ang daming pagkain. Anong okasyon?

Stephen: “Ang daming chibog ah..”

Lumapit si Leila sa amin.

Leila: “Haay..”

“Bakit?”

Leila: “Basta..”

Biglang nagsalita si Hannah.

Hannah: “Kung mapapansin niyo ang daming pagkain ngayon.. Siyempre, nalalapit na ang induction natin as members kaya kailangan magcelebrate..”

Palakpakan naman kaming lahat.

Hannah: “Kaso.. Haay.. May bad news naman..”

Nagulat ako nung nagpunta sa harapan si Larisse. Ngumiti siya.

Larisse: “Sobrang saya ko at di ako nagsisisi na sumali ako dito kasi kung hindi.. di ko sana kayo nakilala.... Bago ako umalis gusto ko sana pasalamatan kayo sa lahat-lahat..”

Stephen: “Aalis ka?”

Ngumiti si Larisse.

Larisse: “Yah.. Nag-advanced exams na ko para makuha agad yung transcript ko.. Lilipat na kami ng family ko.. Ma.. Mamimiss ko kayo..”

Tumahimik kaming lahat. Lumapit lahat para yakapin siya. Naiwan kaming dalawa ni Stephen sa may sulok.

Stephen: “Okay ka lang pare..”

Tahimik lang ako. Hindi ko iniexpect yun ah.

Larisse: “Kainan na..”

Nagsimula na kumuha ng kanya-kanyang plato lahat. Nagpatugtog din ng music. Maya-maya dumating si Jeffrey. Basang-basa.

Jeffrey: “Sorry ngayon lang ako.. Umulan bigla.. Ang lakas nga eh.. Nabasa tuloy ako..”

Sumilip kami sa may pintuan sa labas.

“Ang lakas nga ng ulan..”

Stephen: “Ang malas naman nung mga nasa labas..”

Ewan ko. Pero bigla akong kinabahan.