Chapter 7:

Di nagtagal inabutan na rin ako ng antok. Pinikit ko ang mga mata ko. Napangiti ako.. Isa lang ang nasa isip ko bago matulog…

Siya... :)

RiiiiiiiiiNNNGGggg!!

Nagising ako sa alarm. YaaAAaaWWwnn! Inaantok pa ko. Haay.. Pero ayun, tumayo na ko. Nag-ayos at pumasok sa banyo para maligo na. Bumaba ako para makisabay magbreakfast kina Mama.

“Good Morning, pipol!”

Mama: “Good Morning, ayos ba tulog mo?”

“Okay lang naman..”

Papa: Ano oras ba pasok mo? (sabay tingin sa orasan)6:30 na ah.

“10:00 pa po. Pero dirediretso na yun hanggang 4:00. Walang break.”

Mama: “Ah. Ganyan ba sked mo ngayong sem pag Tuesdays saka Friday? Eh di kumain ka ng heavy breakfast niyan ah.”

“Opo.”

Tinignan ko si Marielle. Mukhang tahimik pa rin siya. Nagtatampo pa rin ata.

“Uy. Marielle.. Sorry na nga kahapon ah.. Lam mo naman ganun lang talaga ako eh.. Bati na tayo ah? Dadalhan kita ng Chocnut?”

Marielle: “Sa tingin mo ba, madadaan mo ko sa Chocnut?” ;D

“Sige na..”

Marielle: “Haay nako.. Sige na nga..”

Mga 6:50 umalis sina Papa saka Marielle kasi ihahatid pa ni Papa sa school yung kapatid ko. Pasok nun 7:30 eh. Si Mama naman sumunod umalis ng 7:15 papuntang ospital, doktora kasi si Mama, pediatrician siya. Si Papa naman lawyer. Isa siya sa may ari ng isang law firm dito sa Pilipinas.

Naiwan akong mag-isa sa bahay. Si Ate Tess naman, yung maid namin inutasan ni Mama na magbayad ng bills namin eh. In-on ko muna yung PC para may magawa naman ako. Nag-check ako ng e-mail tapos naisipan ko na rin
mag-check ng friendster ko. Mag-iisang buwan na ata akong di nagbubukas ng friendster eh.

10 New Testimonials
15 New Friend Requests


Karamihan ng mga testi galing sa mga pinsan ko saka kabatch ko nung highschool. Nangangamusta. Yung mga ganun.

Tapos bigla kong naalala..

Nagpunta kong USER SEARCH.

Tinayp ko Larisse Vergara. Lumabas yung profile niya. Nagdadalawang-isip pa ko kung iki-click ko eh dati ko pa to ginagawa eh. Saka yung Profile niya naman can be viewed by friends o closely connected members lang. Alam ko ang solusyon ay i-add ko siya. Simpleng pag-add lang sa kanya di ko magawa eh. Ewan ko ba. Nakukuntento na nga lang ako sa pagtingin sa picture niya. Yun lang ang tanging magagawa ko..

Yun lang.. Haay.. :-\

FLASHBACK ULIT (First Year First Sem)

Ilang beses ko inisip kung pano ko sasabihin pangalan ko sa kanya. Nagpapraktis pa man din ako sa harap ng salamin. Ang labo ko talaga. ::)

“Hi.. Ako pala yung nakatabi mo nung first day ng class. Di ba tinanong mo pangalan ko? John Christopher pero Toph na lang..”

“Panget.. Di kaya maweirduhan sa akin yun?..” ::)

“Kung ano kaya.." "Hi.. I’m Toph.. You’re Larisse, am I right?”

“Ang Presko ng dating eh.. Di pwede..” :D

Haay. Wala. Palpak. I had the chance and I blew it.. Right there and then. Bad Trip.

Dumaan ang mga araw at linggo. Yun na ang una at huli naming pag-uusap. Nakakalungkot nga eh. Kasi pag dumarating ako sa classroom halos kasabay ko yung prof. kaya discussion agad. Pagkadismiss naman, bumababa rin siya agad papunta sa sundo niya. Kaya di kami nagkakalapit..

Madalas bumababa rin ako tapos sisilipin ko sa may gilid kung nakasakay na siya. Lagi naman siyang maagang sinusundo eh. Maliban sa isang araw..

Mga 5:40 na nun. Wala pa rin yung sundo niya. Nagtataka nga ako eh. Ayun, nandun lang siya nakaupo sa bench. Wala na masyadong tao dun sa Math Building. Umalis na rin yung mga kaklase ko. Ako nandun lang nakatago sa bandang hagdan. Hinihintay ko siyang makauwi eh.

“Ang ganda niya talaga..” 8)

Oo. Simple pero iba ang dating niya. Nung nakaupo siya dun, hinahangin pa nga yun buhok niya eh. Para tuloy siyang nasa commercial, nakakatuwa. Naglabas din siya ng libro, Tuesdays with Morrie. Mahilig din pala siya magbasa? Gusto ko rin si Mitch Albom eh yung author nung librong yun.

“At least may alam na ko tungkol sa kanya, may something in common na kami??” 8)

Natawa ko sa sarili ko. Talagang naghanap talaga ko ng similarity namin eh no? Nung nakasilip ako sa kanya, biglang napatingin siya dun sa pinagtataguan ko.

Hala. Kinabahan ako. Parang nakahalata ata siya eh..

Tumayo siya..

Papalapit na..

Ayan na.




















OH NO!! :o