Chapter 73:
“Haay.. Last day na ng exam pagkatapos nito.. Sembreak na.. Hell week talaga..”
Marielle: “Kaasar naman.. Kami ang sembreak isang linggo lang.. Hmpph..”
“Bayaan mo.. Pag nag-college ka na..”
Mama: “JC, Oo nga pala.. Nakita mo na ba yung invitation na pinadala ni Liza? Nandiyan sa may telepono..”
“Ha? Bakit? Si Ate Liza?”
Si Ate Liza, second cousin namin. Yung mom niya, si Auntie Julie, pinsan ni Mama.
Mama: “Ikakasal na.. Secondary Sponsor ka nga eh.. Candle..”
“Ah.. Ikakasal na siya? Sa bagay 26 na ata siya.. di ba? Sige po mauna na ko..”
Tumayo ko mula sa hapagkainan, nagtoothbrush saglit at pumasok na ng school.
Dumirecho agad ako sa classroom para sa una kong exam. Okay lang naman. Two Hours yung exam pagkatapos nun mahilu-hilo ako. Pagkatapos nun, Math Finals naman. Nagjumble-jumble na yung formulas sa utak buti nakasurvive pa ko.
“Haay.. Salamat.. Heaven na..”
Lumabas ako ng room. Biglang may tumawag sa akin..
“Uy..”
Emm: “Mamaya punta ka ba?”
“Saan?”
Emm: “Parang farewell ng class..”
“What time ba saka san?”
Emm: “Mga 3 pm siguro.. After ng mga exams.. Sa room natin..”
“Sige.. Tignan ko..”
Tinignan ko yung watch ko, 11:30 na. Tapos na kaya si Stephen? Pinuntahan ko si Stephen sa room nila. Math din exam nun eh. Pagdating ko, sakto palabas na siya.
“Uy.. Pare..”
Stephen: “Tara na.. Canteen na tayo.. Ginutom ako sa exam na yun ah..”
Naglakad kami papuntang canteen.
“Teka, mauna ka na...”
Stephen: “Sige..”
Nauna na si Stephen sa canteen. Ako naman nag-CR muna. Pagdating niya dun..
Stephen: “Psst.. Mag-isa ka?”
Alex: "Ha?"
Nagulat si Alex. Kasalukuyan siyan may sinusulat noon sa pahina ng notebook. Pinunit niya. Sabay crumple nung papel. Sinilip niya kung may kasama si Stephen.
Stephen: "Di ko siya kasama.."
Alex: “Uh.. Ano.. Meryenda lang naman.. Uhmm..Di mo ata kasama si ano..”
Nakiupo si Stephen dun sa table kung nasan si Alex.
Stephen: “Iniiwasan mo ba siya?”
Tahimik lang si Alex habang nagbabasa.
Stephen: “Wala ring mangyayari kahit iwasan mo siya.. Sayang naman yung pagiging magkaibigan niyo kung mababalewala lang..”
Tumayo si Alex at niligpit yung mga gamit niya.
Alex: “Sige, mauna na ko.. May exam pa ako..
Stephen: “Sige.. Ingat..”
Naglakad palayo si Alex at lumabas dun sa isang pintuan sa canteen. Dalawa yung pintuan dun eh.
Maya-maya..
“Uy..”
Stephen: “Tagal mo ah..”
Nilapag ko yung mga gamit ko sa table.
"Tara, bili na tayo ng pagkain.."
Pumila kami at bumili ng makakain. Sisig na lang yung binili ko. Bumalik ako sa may table at pinatong yung food tray saka ako umupo.
Bigla akong may naupuan..
“Teka.. Ano to..”
Tinignan ko kung ano yun.
“Papel?”
Stephen: "Ano yan?"
Nilapad din ni Stephen yung pagkain niya sa table. Sabay hablot sa akin nung papel.
"Uh.. Papel lang naman yan eh.. Lukot-lukot pa.."
Stephen: "Oo nga.."
Tapos binuklat niya yung papel at binasa..
Nakakainis ka.. Alam mo ba yun. Ang sarap mong sapukin! Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko magagawa yun.. Hindi mo lang alam nasasaktan ako. Pero ganun naman ata talaga.. parehas lang naman tayo ng sitwasyon di ba.. yung gusto mo hindi mapasayo.. ang sakit di ba.
Nung nakita ko kayo na magkayakap, sumabay yung pagpatak ng luha ko sa paglakas ng ulan. Pero ang tanga ko kasi kahit anong sabi ko sa sarili ko na makakalimutan ko rin yung nararamdaman ko para sayo, meron pa rin dito.. sa puso ko.. umaasa na mapapansin mo ko.
Kahit ayaw ko, naitanong ko din sa sarili ko.. ano bang meron siya na wala ako.. tapos sa huli, naisip ko.. kung ano.. kung sino..
yun ay IKAW
Natahimik ako nung binasa ni Stephen yung nasa papel.
"Sino kaya nagsulat niyan.."
Stephen: "Ah.. Eh.. Di ko lam.. Kaw nakakita niyan di ba? O Eto, kaw na lang magtago.."
Sabay abot sa akin ni Stephen nung papel. Tinignan ko ulit yung lukot-lukot na papel.
Hindi ko alam pero parang eksakto niyang sinabi yung mismong nararamdaman ko. Yung pakiramdam na...
Umaasa ka kahit alam mong wala na talaga.
Yung nasasaktan ka pero ayaw mong ipahalata sa iba.
This entry was posted on 6:27 PM
and is filed under
xx chapter 73
.
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
0 comments:
Post a Comment