Chapter 8:
FLASHBACK PA RIN (First Year First Sem)
Pinagpapawisan talaga ako nung papalapit na siya. Dinig na dinig ko na yung tibok ng puso ko eh.
VRrOOOOOoooMMM…
Parang motor sa bilis.
Ang Tindi! 
Beeeeeeeeeep!! Beeep!!
Dumating na yung sundo niya!! Whooo! Buti na lang..
Pagsilip ko, nakita ko kinuha na niya yung mga gamit niya tapos papasok na sa kotse nila. Tapos, bigla siyang tumigil. Lumingon siya dun sa pinagtataguan ko. Mga ilang segundo rin siyang nakatangin dun tapos saka siya pumasok.
“Pucha. Muntik na ko dun ah!”
Mula noon, medyo naging maingat na ko. Pero hindi na rin naman nasundan na nalate siya ng sundo. Lagi na ulet on time ang sundo niya. Araw-araw yun hanggang sa patapos na ang sem.
Oo. Mabilis lang pala ang isang sem. Hindi mo namamalayan patapos na. Parang ayaw ko nga matapos ang sem na to dahil sa kanya. Iba pala ang pakiramdam pag may matindi kang dahilan para pumasok eh ano? 
Magkahalong excitement saka lungkot ang nararamdaman ko nung last day na namin sa Math. Parang farewell party kasi namin sa class. Nakakalungkot kasi mamimiss ko rin mga classmates ko kahit papaano saka..
..syempre di ko na siya madalas makikita. Haay..
Excited din kasi nagdala ako ng camera at balak ko sana kumuha ng mga pictures. Siyempre, sa picture, nandun siya, nandun ako. Ang saya! 
Prof: Rovan Garcia: “Aba, ang sarap ng mga pagkain ah”
Kanya-kanyang dalang food yung mga kaklase ko. Ako dinala ko dalawang malaking Doritos. Yung iba may dalang pizza, doughnut etc.
Tumingin ako sa watch ko.
Four na ah.. Nasan na kaya siya?
Four Fifteen..
Four Thirty…
Five..
Wala pa ring anino man lang ni Larisse. Kumuha na ako ng pictures namin. Ang kulit nga nila eh. Pero.. Nalungkot ako.. Wala siya eh..
Sayang last day pa naman.. Pero naisip ko baka naman late lang siya.. Baka..baka sakaling dumating pa siya.. Kaya kahit umalis na lahat.. Dun muna ko tumambay sa may bench sa labas ng Math Building dun sa mismong inupuan niya nung isang beses.. Naghintay ako hanggang mga five thirty.. Habang nandoon.. Narealize ko..
Mahirap pa lang maghintay sa wala.. 
This entry was posted on 11:46 PM
and is filed under
chapter 8
.
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
0 comments:
Post a Comment