Chapter 84:

Napansin ko na lang na gumalaw siya. Kinabahan ako. Inalis ko agad yung pagkakahawak ko sa mga kamay niya. Maya-maya dumating na rin sina Leinard.

Nagvibrate yung phone ko bigla. Pagbukas ko, may text si Papa. Tsk. Tsk. Mapapauwi ako nito ng di-oras ah.

"Uy.. Kailangan ko na umuwi.. Kayo na bahala sa kanya ah.."

Leinard: "Oo ba.."

Binuksan ko yung pinto at lumabas. Bago isara, tinignan ko ulit siya.

November 30 Thursday

Palabas ako ng first class ko nung nakasalubong ko si Alex pababa ng hagdan. Napangiti ako.

“Alex!”

Napatingin siya sa akin.

Alex: “Uy..”

“O ano.. Okay ka na?”

Alex: “Oo.. Okay naman na.. Minsan kasi.. inaatake talaga ako.. Sige.. mauna na ako.. may klase pa ako..”

“Sige.. Uh.. Alex?”

Lumingon siya.

“Dala mo ba yung gamot mo? Kasi ano.. baka..”

Nagsalubong yung kilay ni Alex.

Alex: “Uh.. Oo.. Bakit?”

“Ah.. Naitanong ko lang.. Sige.. ingat ka ha..”

Ngumiti lang si Alex tapos dumirecho na.

December 5 Tuesday

Lunch Time. Mag-isa akong nasa canteen. Nagbabasa lang habang kumakain. Maya-maya may naglapag ng libro sa table.

“Huy!!”

Nagulat naman ako. Si Stephen pala.

Stephen: “Gutom na ako..”

“Bumili ka..”

Pumila si Stephen at bumili ng pagkain. Maya-maya nilapag niya sa table yung pagkain niya. Ako naman, nagbabasa pa rin. Tapos pakain-kain ng kaunti nung spaghetti na binili ko.

Stephen: “Uy.. Alam mo ba.. Nanliligaw na si..”

Kasalukuyan akong sumusubo ng spaghetti nang..

Stephen: “Matt kay Alex..”

*Cough*

Nabailaukan ata ako ah. Bad trip. Kinuha ko agad yung iced tea ko at uminom agad.

Stephen: “Tol? Okay ka lang??”

“O-okay lang.. Ano sabi mo?”

Stephen: “Sabi ko si Matt, nanliligaw na kay Alex.. Nung Saturday ata nagtanong..”

“Pu-pumayag ba siya..”

Stephen: “Siguro..”

Sarap na sarap kumain si Stephen.

“Pare.. Yang si Matt. Okay naman ba? Mabait? Di naman chickboy o ano?”

Stephen: “Ha? Okay lang.. Paki ko sa lovelife niya?”

Kinuha niya yung baso ng tubig niya at biglang tumingin sa akin. Pag lapag niya nung baso..

Stephen: “Teee.. kaaa.. Bat mo naitanong??”

“Ha? Wa-wala..”

Stephen: “May gusto ka ba..”

“Kay? Alex? Uy.. Nagtatanong lang naman..”

Ngumiti si Stephen.

Stephen: “Tsk.. Tsk.. Defensive.. Wala pa nga ako sinasabi.. Kailan pa yan..”

Natahimik ako.

Stephen: "Magsabi na.. Dali.. Kailan pa?"

“Ewan ko. Siguro nung kasal... Basta..”

Stephen: “Ano yun biglaan? Pare, minsan may nararamdaman na tayo sa tao.. Kaso minsan di pa natin maamin.. Alam na ba niya.”

Tahimik lang ako.

Stephen: “Malamang hinde.. Kaw pa..”

“Sobra ka..”

Stephen: “Oo.. Iuntog ko kaya yung ulo mo sa pader.. Isa kang napakalaking TEOPE..”

“Sinong teope? Di ah..”

Stephen: “Oo no.. Torpe.. Tsk.. Tsk.. Mula ngayon ang tawag ko na sayo..

Ngumiti siya.

Stephen: “Torps..”

“Sus.. Ano na naman yang pakulo mo?”

Maya-maya may tumugtog.

Pasko na naman o kay tulin ng araw. Paskong nagdaan tila ba kung kailanman..

“Ang bilis naman ng panahon.. Magpapasko na naman.. Next week eh, halos magchristmas break na..”

Stephen: “Oo nga.. Uy.. Bilis bilisan mo naman.. Bago mahuli ang lahat..”

“Oo.. Siguro.. Sasabihin ko sa kanya.. Pero dahan-dahan naman..”

Stephen: “Oo naman.. Sa huli, magsisisi ka.. saka ang pinaka-pinaka di mo dapat kalimutan..









































Regalo ko ah.. christmas na eh.. pinapaalala ko lang.. kuripot ka pa naman..”