Chapter 9:

Miyerkules. Wala akong pasok pero ang aga ko nagising. Bakit ganun kung kailan kailangan gumising ng maaga hindi ako makabangon.. Ngayon naman pwede akong matulog ng matagal ang aga ko naman magising.. Haay Buhay. At least, makakasabay kong magbreakfast sina Mama .

“Wow. Tapsilog for breakfast. Busog na naman ako nito! Sarap talaga ng buhay pag may nanay kang magaling magluto ah..”

Papa: “Aba. May ipapabili ka ba?” ::)

“Papa, naman.. Totoo naman yung sinasabi ko ah..” (sabay tawa)

Marielle: “Ay, Mama late po pala ako makakauwi, gagawa po kami ng project eh para sa Biology.”

“Anong oras ka na uuwi? Sino maghahatid sayo? Kailangan mo ba talaga pumunta diyan? Pano kung gabihin ka na, delikado na yan, kaya mo ba umuwi?” :D

Marielle: “Kuya naman, exagge ka ah. Alin ba dun ang sasagutin ko? Ang dami mong tanong eh..” ???

Mama: “San ba kayo gagawa ng project niyo?”

Marielle: “Kina TJ po yata..”

“ANOO?!!”

Papa: “Puso mo, JC, puso mo..”

Tinignan ko si Papa. Parang nang-aasar pa eh. Di ba siya nag-aalala??

Marielle: “Marami naman kami eh. Seven kami sa group. Apat na babae saka tatlong lalaki. Nandun naman yung parents ni TJ eh. Nagkausap pa nga si Papa saka Tito Bert."

Papa: “Kinausap ko nga kanina kasi nagkasabay kami nung hinatid ko sa school tong si Marielle eh. Nasabi nga ni Bert na dun gagawin yung project nila. Okay nga yun at least panatag ang loob natin.”

“Teka.. mga what time ka na niyan makakauwi? Pano ka uuwi?”

Marielle: “Depende kung anong oras kami matatapos.”

“Eh di susunduin na lang kita.”

Marielle: “Ha?”

Papa: “Sa bagay, may meeting kasi Mama niyo mamaya kaya ihahatid ko siya kaya pwede gamitin ni JC yung kotse ni Mama.”

“O kitams.. tamang-tama pala eh”

Mama: “Gagawan na rin ako ng lasagna para may maibigay ka naman kina Tito Bert niyo”

“Buti pa sila may lasagna..”

Mama: “Sige na, gagawa rin ako para sa inyo may meryenda kayo rito.”

“Yahoo!”

Inihatid ni Papa si Marielle ng mga 7 o’clock pero bumalik din siya agad kasi ihahatid niya nga si Mama sa miting. Umalis sina Mama, mga 10 o’clock na rin kasi 11 yung miting nila saka tinapos pa niya yung ginagawa niyang
lasagna.

Ako naman nasa kuwarto lang buong hapon. Tinapos ko yung last four episodes ng Naruto. Ibabalik ko na rin kasi siya kay Stephen bukas kasi hiniram ko lang sa kanya yun.

Tinignan ko yung watch ko. 3:30 na pala.

“Naku, nakalimutan ko pala itanong kay Marielle kung san yung address nung bahay nung TJ na yun saka kung anong oras ko siya dadaanan.”

Kinuha ko yung phone ko para itext yung utol ko.

To: Marielle
Ano oras kita sundo? Ska san bhay ni Tender Juicy?


Ilang minuto lang nag-reply naman siya.

From: Marielle
Anong Tender Juicy?!! TJ noh! Ano mga 6:30 cguro, dun daw sa Crystal Village, Sampaguita st.. Mlapit lng cya s skul nmin. Kulay peach yung bahay.. txt txt na lng maya.
::)

“6:30 pa? Punta na lang muna kaya ko sa Qbix. Bili ako bago DVD.”

Nagpaalam ako kay Ate Tess na aalis na ako. Pinaandar ko na yung kotse tapos pumunta na akong Qbix. Nagpark ako dun sa bandang harapan.

“Oi. Mang Nestor. Ano po bago ngayon?”

Ang Qbix ang madalas kong bilihan ng DVD. Suki na ako niyan kaya magaganda yung mga kopya na nakukuha ko. Saka kasundo ko si Mang Nestor yung nagbabantay nung store. Di ko rin naman kasi afford na bumili ng orig eh.

Mang Nestor: “Long time no see ah. Tapos mo na ba yung mga binili mo dati?”

“Oo nga ho eh kaya eto napapabili ako ng di oras.”

Nagtingin-tingin ako kung ano magandang bilhin. Yung kinuha ko na lang yung Season 6 ng CSI Las Vegas. Pagkatapos, pumunta ako dun sa Mitsubishi Photo sa katabi lang naman ng Qbix. Nagpappicture na rin ako para sa 1x1 kasi madalas kailangan yun sa class eh. Hinintay ko rin siya ng mga 30 minutes para madevelop. Pagtingin ko sa watch, six o’clock na pala kaya tinext ko na si Marielle na papunta na ko.

“Patay! Yung Lasagna pa pala ni Mama!” Ayun binalikan ko pa tuloy sa bahay.

Mga 7 na ata ako nakarating dun sa bahay ni Tender Juicy. Medyo nawala kasi ako eh. Malaki rin pala yung Crystal Village kaya nakakalito yung mga streets niya.

Bumaba ako sa kotse tapos kinuha ko yung lasagna. Naglakad ako papunta sa gate. Tumigil ako sa saglit. Ewan ko pero naisipan kong buksan at silipin yung lasagna.

Eh di binuksan ko naman. “Hmmm.. ang bango talaga.. ginugutom ako..”

Tapos may narinig akong boses papalapit dun sa gate.

“O sige po.. Bye.. Balik na lang po ulit ako.”

Nagpanic ako bigla. Inayos ko ulit yung takip nung lalagyan ng lasagna. Lalapit na sana ako sa gate kasi baka pagbubuksan ako’t tinext ko na kasi si Marielle na nandun ako.

Kaso..

Di pala patag yung daan dun!

Natisod tuloy ako..

Nabitawan ko yung lasagna..

Lumipad yung lalagyan..

Sakto pa at bumukas yung gate!

Pinikit ko ang mga mata ko..




















... hala! ... 8)