Chapter 94:

January 27

Sa bahay nina Alex..

Tristan: "Good Morning! Happy Birthday!"

Kakababa lang ni Alex nung sinalubong siya ni Tristan pati ng parents niya ng cake.

Mr. Santillan: "Happy Birthday iha.."

Mrs. Santillan: "Mamayang gabi.. kakain tayo sa labas ah.."

Alex: "Of course.."

Sabay-sabay silang nag-breakfast. Habang kumakain..

RIIIIIIINNGGG..

Sinagot ni Manang Delia yung phone.

Manang Delia: "Para kay Alex daw ho.."

Tumayo si Alex para sagutin yung tawag.

Alex: "Hello?"

Sister Beth: "Hello? Alex.. Si Sister Beth to.. Kung pwede mamayang hapon ka na lang pumunta dito.."

Alex: "Po.. Uh.. Kasi.. Sige po.."

Tristan: "Sino daw yun?"

Alex: "Mamayang hapon na lang daw ako pupuntang Little Angels.."

Mr. Santillan: "Pano na tayo magdidinner niyan?"

Tristan: "What time ba?"

Alex: "5 pm.. Siguro, alis na lang ako ng maaga.. Text ko na lang po kayo kung what time niyo ko sunduin.."

Nung kinahapunan, nagpaalam na si Alex na pupuntang Little Angels.

Alex: "Mukhang bihis na bihis kayo ngayon Mang Fred ah.."

Ngumiti lang yung driver nila. Pagdating niya dun..

Alex: "Tao po.. Parang walang tao ah.."

Binuksan ni Alex yung gate tapos pagpasok niya sa loob. Madilim. I-on niya yung ilaw. Dun sa may lobby.. may napakalaking box na may tag na.. Alexandra Santillan.

Alex: "Ano to?"

Binuksan niya. Pag bukas niya..

Alex: "Wow.."

Isang simple pero magandang dress yung nakapaloob dun sa box. Binasa niya yung nasa tag..

A beautiful dress for a beautiful girl like you..

You deserve nothing but the best..

Happy Birthday..

Tristan.


Alex: "Si Kuya talaga.."

Nung napansin ni Alex, na wala na talagang tao dun. Lumabas na siya.. itetext na sana niya yung driver nang..

Alex: "O manong.. di pa kayo umaalis?"

Mang Fred: "May pupuntahan pa po kayo di ba?"

Alex: "Talaga?"

Sabay abot sa kanya nung isang box. Pagbukas niya.. necklace..

You are now a lady..

We are so proud of you..

We love you.

Mom and Dad..


Mang Fred: "Hintayin ko na lang po kayo dito pag nakabihis na kayo.."

Alex: "Ha? Bihis? Ano bang meron ah.."

Nagpunta si Alex ulit sa loob. Bukas nga yung C.R. Sinuot niya yung damit pati yung necklace.

Mang Fred: "Ma'am, mukha kayong prinsesa.."

Alex: "Hindi naman po.. May party ba? Kailangan ko pa ba magpaayos? Di kasi ako sanay ng may make-up.."

Mang Fred: "Maganda pa rin naman kayo kahit walang make-up eh.. Hatid ko na po kayo.. Pero bago ang lahat.. isuot ko lang po ito.."

Nilagyan niya ng blindfold si Alex. Maya-maya nakarating na sila dun sa venue. Inalalayan ni Mang Fred si Alex, hanggang sa..

Alex: "MAng Fred?"

Tinanggal ni Alex yung blindfold. Pero madilim pa rin.

She
May be the face I can't forget
The trace of pleasure or regret
May be my treasure or the price I have to pay
She
May be the song that summer sings
May be the chill that autumn brings
May be a hundred different things
Within the measure of a day


Habang tumuttugtog, isa-isang nagsindi ng kandila yung mga tao na nakapalibot kay Alex. Nagsimula dun sa Mom and Dad niya.. paikot..

She
May be the beauty or the beast
May be the famine or the feast
May turn each day into a heaven or a hell
She may be the mirror of my dreams
The smile reflected in a stream
She may not be what she may seem
Inside her shell

She
Who always seems so happy in a crowd
Whose eyes can be so private and so proud
No one's allowed to see them when they cry
She
May be the love that cannot hope to last
May come to me from shadows of the past
That I'll remember till the day I die


Hindi nakapagsalita si Alex.

She
May be the reason I survive
The why and wherefore I'm alive
The one I'll care for through the rough in ready years
Me
I'll take her laughter and her tears
And make them all my souvenirs
For where she goes I've got to be
The meaning of my life is

She
She, oh she


Lumapit yung Mom and Dad niya pati kuya niya tapos hinalikan siya sa cheeks sabay abot ng bouquet ng flowers sa kanya.

"Happy Birthday.." bati nila.

Alex: "Thanks po.. Di ko inexpect na may ganito.."

Nagsimula yung program. Pinaupo muna yung mga guestsa sa mga table nila tapos si Alex dun umupo sa may bandang harap. Ang ganda nga nung likod kasi may mini-falls dun tapos may banner na Alexandra at 18. Tapos, punong-puno ng flowers tapos sa may sahig, puno naman ng nagkalat na blue and white na baloons.

BUmulong sa akin si Stephen habang nasa table kami.

Stephen: "Ikaw talaga nag-isip nito? Adik ka."

Ngumiti ako.

"Siyempre basta para sa kanya.."

Una yung 18 treasures, lahat ng kasama dun galing Little Angels. Puro mga bata. Kinantahan nila si Alex ng 'That's what friends are for.." Tapos, isa-isa silang nagbigay ng mga simpleng gift nila pero meaningful. Sabi ko kasi sa kanila, kahit ano naman maappreciate ni Alex. Pinakanagustuhan ko yung isang batang babae, 10 yrs. old ata. Yung binigay niya.. shell.

"Ate.. Eto.. gift ko kasi.. di ba sabi mo kahit anong bagay.. simple man o engrande.. maliit o malaki.. special.. Parang ikaw.. pinaparamdam mo sa amin, na special kami.. Happy Birthday.."

Mangiyak-ngiyak si Alex nung tinanggap niya yung mga regalo sa kanya tapos nag-group hug pa nga sila
Sumunod naman 18 candles, nagmessage naman yung mom niya, mga lola, tita saka mga kaibigan niya.

Huling parte nung program, first dance niya, yung kuya niya.. Sinundan nung mga pinsan saka tito niya. Bandang huli sinayaw siya nung father niya.

Sumunod, dinner time na. Nagserve ng food per table. Habang kumakain, pinakita yung video na ginawa ko..
Pinaghirapan kong gawin yun ha. SObrang proud ako dun. Pero sabi ko, wag sabihin na ako gumawa. Hiningan ko ng pictures ni Alex mula pagkabata hanggang sa pagdalaga si Tristan tapos iniscan ko. Kumuha rin ako ng messages nung mga kaklase niya saka classmates namin.Siyempre, di mawawala yung message nung pamilya niya. Sabi ni Stephen, magmessage din daw ako. Kaso sabi ko camera shy ako. Pero sa totoo lang.. Di ko lam kung anong sasabihin ko sa kanya eh.

Sa kalagitnaan ng pagkain ng lahat. Nagpunta ako sa may garden sa may gilid. Medyo tago siya. Gusto ko magpahangin saglit. Kinakabahan ako, di ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Iniisip ko rin kung magugustuhan niya yung ibibigay ko. Dun ako umupo sa well. Walang maupuan eh.

Nagulat ako nung may humawak sa balikat ko. Kinabahan nga ako nung una. Kala ko may tutulak sa akin at mahulog ako dun sa balon.

"Uy.. Bat nandito ka."

Si Tristan.

"Ah.. Nagpapahangin lang po saglit.."

Tristan: "Okay din tong naisip mong party ah.. Nagreet mo na ba siya?"

"Di pa nga po eh.. Dami niya kasing fans.. Di ako makalapit.."

Ngumiti lang si Tristan.

Tristan: "Alam mo.. boto na ako sayo ngayon.. Mukhang seryoso ka talaga sa kapatid ko.. Siguro, tinamaan ka sa kapatid ko no?"

"Oo nga eh. Sapul."

Sabay tawa ko.

Tristan: "Wag mo siyang sasaktan ah.."

"Di ko po gagawin yun.. Pramis.."

Tristan: "Mula ngayon.. pwede mo na rin akong tawaging kuya.. Yaan mo sasabihin ko na ikaw, may pakana nitong lahat.."

"Naku.. Wag na po.."

Huminga ako ng malalim.

Tristan: "Ha? Ikaw bahala.. Teka, kailan mo nga ba balak sabihin yung tungkol sa nararamdaman mo sa kanya?"

"Mamaya po siguro.."

Tristan: "Sige nga.. praktis lang.. anong sasabihin mo?"

Natahimik ako.

"Ano nga ba?"

Tumingin ako sa malayo.

"Uh.. Siguro.. sasabihin ko.. Alex.. Alam mo, nahulog na yung loob ko sayo.. mas lalo pang nahuhulog.. bawat minuto.. bawat araw na nakakasama kita.. Sobrang, mahalaga ka sa akin.. higit pa sa isang kaibigan.. At pinapangako ko sayo na nandito lang ako kung kailangan mo na.. di kita iiwan.. Saka Pag nakikita ko yung mga mata mo o kaya kapag ngumingiti ka lang.. tumatatak talaga sa isip ko.. Sobrang swerte ko na nakilalala kita.. Kasi kung di kita nakilala.. Baka.. Baka di ako ganito kasaya.."

Huminga ako ng malalim.

"Ayun.. Kaso baka matameme lang ako. Sigurado."

Tristan: "Kaya mo yan.."

Nagulat ako nung may narinig kami sa likod.

Paglingon ko.. natigilan ako.






































































Alex: "Anong sabi mo?"