Chapter 95:

Tristan: "Alex?"

Sabay pa kaming napalingon ni Tristan. Kuya Tristan na pala. Bumilis agad yung tibok ng puso ko.

Alex: "Pi-pinapahanap ka ni daddy.."

Tristan: "Ah ganun ba.. Sige.. Mauna na ako.."

Umalis si Tristan at bumalik sa loob. Naiwan lang kaming dalawa dun. Ilang minuto ding walang nagsasalita sa amin.

Maya-maya nagulat ako biglang tumalikod at naglakad papaalis si Alex.

"Alex.. wait.."

Tumigil siya. Huminga ako ng malalim. Nilapitan ko siya. Pumunta ako sa harap niya. Nakatingin lang siya sa akin. Walang kahit anong sinasabi.

Nilagay ko yung kamay ko sa bulsa ko. Kabado ko eh.

Tinignan ko siya.

"Alam ko narinig mo lahat.. Lahat ng sinabi ko.. totoo.. at alam ko siguro.. nabigla ka.. Pero may.. may mga bagay na hindi natin mapipigilan.. tu-tulad nitong nararamdaman ko.."

Kinuha ko yung kaliwang kamay niya at pinatong ko sa chest ko.

"Ikaw lang.. yung laman ng isip ko.. lalo na nitong puso ko.. Nararamdaman mo ba yun? Ang bilis no? Ganyan ang epekto mo sa akin.. Natatakot tuloy ako baka atakehin ako sa puso.."

Bumitaw ng kamay si Alex sabay suntok na mahina sa akin sa braso.

Alex: "Puro ka patawa.."

"Seryoso ko dun ah.."

Alex: "Ah ganun?"

Sabay tawa siya.

"Uh.. Alex.. Pwede baka ako mag-apply?"

Alex: "Ha? Ano na naman yan ah.."

"Mag-aaply akong knight in shining armour mo.."

Tumawa na naman si Alex. Napangiti ako kasi gustung-gusto ko pag napapatawa ko siya.

Alex: "Ano ka ba.. You have always been my knight in shining armour.."

Napatahimik naman ako dun.

Alex: "Kahit minsan palpak.. pwede na.."

"Ah ganun ah.."

Sabay nilapitan ko siya tapos kiniliti ko siya sa bewang.

Alex: "Ano ba.. Para kang bata.."

Tawa kami ng tawa tapos biglang natigilan ako nung nagkalapit yung mga mukha naming dalawa.

Hinawakan ko yung face niya.

"Ang ganda mo talaga.."

Alex: "Oo naman.."

Tumawa ko. Ang cute talaga niya.

Nagkatiniginan lang kaming dalawa dun.

Alex: "Alam mo.. dati sabi ko.. swerte yung babaeng mamahalin mo.."

"Talaga? Eh pano yan.. Eh di swerte ka?"

Alex: "Uhmm.. Pwede na.."

"Aaay.. Ganun?"

Ngumiti si Alex. Natahimik na naman kaming dalawa.

Alex: "Uh.. You know what? I'm.. I'm also falling for you.."

Natigilan ako nung sinabi niya yun. Parang gustong tumalon.

Alex: "Pero alam ko naman na may nararamdaman ka kay Larisse nun.. Kaya alam ko.. na kahit kailan.. wala akong space para diyan."

Sabay turo sa chest ko.

Di ko alam ang sasabihin ko.

"Wala akong ibang masasabi kung hindi ang tanga ko.. Ang bulag ko? Kasi yung babaeng para sa akin.. Nasa harap ko na.. noon pa.. Pero di ko pa rin makita.. Ngayon, alam ko na.. kilala ko na.. Di ako papayag na mawala ka.. Hayaan mo.. papatunayan ko sayo.. Na karapat-dapat ako para sayo.. Na karapat-dapat ako para mahalin mo.."

Ngumiti lang si Alex.

Maya-maya may dumating, yung emcee. Tinatawag na si Alex.

"Tawag ka na ng mga fans mo.."

Tumawa lang si Alex.

Pumasok siya sa loob. Sinundan ko siya.

Nagpatuloy yung program. Sumunod yung ibang special numbers tulad nung kinantahan siya ng daddy niya saka kuya niya. Tapos nagmessage din sa kanya yung bestfriend niya nung bata siya, si Gelaine.

Nagkaroon din ng picture-taking kasama yung mga kaibigan niya, family and relatives.

Yung huling part, nagmessage yung parents niya saka siyempre siya.

Alex: "Salamat po sa mga nagpunta.. Di ko inexpect to.. Akala ko kakain lang kami sa labas ng family ko.. You've made this day very.. very.. special.. Thank you.."

Pagkatapos nun, nagsiuwian na halos lahat. Di ako makalapit kay Alex. Nandun lang ako sa may gilid.

Stephen: "Uy, pare.. uwi na kami.."

"O sige.. una na kayo.. Bigay ko pa tong regalo ko.."

Stephen: "Ganun ba? Good luck, wag hihimatayin ah.."

"Sira.."

Maya-maya kumonti na yung tao. Mga kamag-anak na lang halos ni Alex yung nandun.

Nilapitan ko siya.

"Ang dami mong fans.. Di ako makalapit.."

Alex: "Hindi naman.."

Naglakad kami palabas papunta dun sa may well kanina.

"Sarap dito noh.. mahangin.."

Alex: "Oo nga.."

"Di pa pala kita nabati.. Happy Birthday.."

Sabay abot ko sa kanya nung regalo.

Alex: "Nag-abala ka pa magbigay ng gift? Eh sobra-sobra na tong naisip mong party?"

"Narinig mo rin ba yun kanina?"

Alex: "Ah.. Hinde.. Sinabi lang ni kuya.."

"Sabi ko wag na sabihin eh.."

Alex: "Thank you ah.. For everything.."

Ngumiti ako.

"You deserve nothing but the best.."

Alex: "Teka, ano ba to?"

Binuksan niya yung regalo ko. Napahawak ako sa batok ko.

"Pangpasensiyahan mo na ha.. Kung simple lang..

Alex: "Ang ganda nga eh.."

"Uh.. Kasi ganito yan.. Nung bata ko.. Buhay pa si Kuya Lester nun.. Nagpunta kaming Hongkong.. Tapos, magkasama kami nun na naglilibot. Pumasok kami sa isang antique shop.. Dalawa yan eh.. Binigay sa akin ni Kuya yung isa, sabi niya, ibigay namin sa babaeng mamahalin namin.. Kaya mula nun, tinago ko yan."

Alex: "Ha? Naku.. Bat sa akin?"

"Ano ka ba.. tinatanong pa ba yun?"

Kinuha ko yung necklace na may pendant na ring tapos sinuot ko sa kanya.

Tinignan niya yung pendant.

Alex: "Teka, tignan mo o.. Dun sa loob nung ring parang may nakaengrave.."

"Oo meron nga.."

Alex: "Di ko maintindihan eh.. Ancient din ata yung handwriting.. Ano bang nakasulat.."

Ngumiti ako tapos tinignan ko siya sa mga mata niya.















































































































































"I love you.."