Tumingin ako sa telepono. Wala na Binaba na niya.
Huminga ako ng malalim. Di pala siya nakapunta. Pero bat parang binabagabag pa rin ako? Di ko siguro alam ang gagawin ko kung sakaling nagpunta siya talaga tapos hinintay niya ako. Ngayon pa nga lang, guilty na ako eh.. Pano kaya pag ganun nga.. Haay..
Lunes. Papunta na ako sa last subject ko, Socsci1. Naglalakad ako sa hallway. Pagtingin ko sa di kalayuan.. Teka.. Si Alex ata yung naglalakad eh. Kabisado ko ata yung cap+napakalaking tshirt with sleeves na iniipit niya sa balikat para angas ang dating+jeans+rubbershoes look niya kahit nakatalikod.
Tumakbo ako para mahabol siya.
"Alex?!"
Hinde ata ako narinig nun ah. Pagtingin ko, teka, palabas na room yung iba kong mga classmates.
Emm: "O Toph.."
"Bat palabas na kayo eh 2:15 na ah.. Baka dumating na si Ma'am.."
Tinuro ni Emm yung board sa loob. Sumilip ako.
Emm: "Ipasa na lang daw natin yung project sa kanya.. Wala ng classes.."
"Ganun ba?"
Emm: "Text text na lang siguro.."
"O sige.."
Dalawang linggo na lang at magsesembreak na. Wala na rin si Larisse. Umalis siya three days ago.
Stephen: “Halos wala na tayong class eh no.. Kaso next week exams na naman.. Ikaw may class ka pa ba?”
“Wala na rin halos eh.. Mga meeting na lang para sa group project.. Mamaya nga may meeting kami nina Alex eh..”
Stephen: “San ba meeting place niyo?”
“Sa library..”
Tumingin ako sa watch ko.
“Siguro, pupunta na ako dun..”
Stephen: “O sige.. pare. Ingat..”
Naghiwalay kaming dalawa at dumirecho na ko sa library. Pagdating ko nandun na mga kagrupo ko pero..
“San si Alex?”
Mara: “Kanina pa siya umalis eh.. May pupuntahan pa daw siya.. Binigay na niya yung video niyo.. edited na..”
“Ah.. Tagal ko na di nakikita yun ah..”
Nakakailang group meetings na kami pero di ko pa siya nakikita. Ano na kaya nangyayari dun?
Pagkatapos ng group meeting, naglakad ako papuntang sakayan. Nagulat ako biglang nagbusina si Stephen.
Stephen: “Sabay ka na?”
Sumakay ako sa kotse niya.
Habang nasa kotse, tahimik lang ako.
Stephen: “Tol.. Okay ka lang.. Teka, soundtrip nga tayo..”
Sabay bukas ni Stephen nung radyo.
Kasalanan ko ba
Kung iniibig kita?
'Di ko naman sinasadya ang mahalin kita (ang mahalin kita)
Kasalanan ko ba kung ang nadarama
Ay pag-ibig na tapat?
Mapipigil ko ba kung mahal kitang talaga
Ang senti nung kanta ah.
“Ah.. Wala lang.. Oo nga pala, Nakita mo ba si Alex?”
Stephen: “Paminsan-minsan nakakasalubong ko sa campus..”
Iniba ni Stephen yung istasyon ng radyo.
Ngunit di mo naman pinapansin
Mga tawag ko
Di mo naman pinapansin mga sulat ko
Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko?
Lahat naman ay kayang ibigay sa yo
Kahit na mahirap basta gusto mo
Ano ba talaga?
Para lang ako'y pansinin mo
Sana nama'y maintindihan mo ako
Lahat na itoy para sayo
Nang ako ay lumayo ikaw pa rin ang
Hanap ko ang gusto ko'y sa'yo lamang
“Di ko pa kasi nakikita yun eh..”
Stephen: “Aaah.. Baka busy? Uhmm.. Toph.. May tatanong ko sayo..”
“Sure..”
Stephen: “Kasi ganito.. May tropa ko.. tawagin nating si pekto tapos nagkagusto siya sa isang babae tawagin nating mahal tapos umalis si mahal… si pekto may kaibigan ding babae na tawagin naman nating si love.. Si love mukhang nahuhulog ang loob kay pekto pero di napapansin ni pekto.. At mukhang lumalayo na si love kay pekto..”
“Seryoso ba yan? May katropa kang Pekto?”
Ngumiti si Stephen. Iniba niya yung istasyon ulit ng radyo.
Don't call me in the middle of the night no more
Don't expect me to be there
Don't think that it will be as it was before
Don't think that i care
I'm not over you yet
And i don't wanna be your friend
Sinakyan ko na lang yung trip ni Stephen.
“Hmm.. Okay ba naman si love?”
Stephen: “Oo, maganda.. mabait.. nilakad pa nga ni love si pekto dati kay mahal eh..”
I'll forget we ever met
I'll forget i ever let
Ever let you into this heart of mine baby..
You just gotta let me be
You gotta keep away from me
Coz' all i wanna do is be free from you baby
Don't you come around
And say you still care
About me..just go now , go now
Stephen: “Ano lang ano sa tingin mo?”
“Talaga? Ewan ko eh. Lam mo naman di ako magaling sa ganyan eh.”
Stephen: “Alam mo sa tingin ko? Sana mauntog yung kaibigan ko.. Para magising sana siya...”
“Sa bagay, medyo manhid nga naman.. Siguro naman mapapansin din niya yung sinasabi mong babae.. in time..”
Tumawa si Stephen.
Stephen: “Siguro.. Sana nga.. Hmm.. Alam mo, papakilala nga kita kay Pekto minsan..”
This entry was posted on 6:23 PM
and is filed under
xx chapter 72
.
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
0 comments:
Post a Comment