Chapter 44
“Ha? Di nga?”
Alex: “Oo.. Kilala ko handwriting nun..”
“You mean.. Yung tita mo yung gf ni kuya?”
Alex: “Siguro nga.. Di ko alam yung tungkol dun kasi bata pa ko eh saka bihira ko makita si tita nung bata ko.. ang alam ko lang nagkasakit nga siya tapos pumunta na sa Canada at nagka-amnesia ata or something..”
“So that explains everything..”
Alex: “Uh? Ano ba yung hawak mo?”
Napatingin ako dun sa sulat ni kuya lester.
“Teka, kung lahat nasa box puro galing kay ate pia bukod dito. Ibig sabihin..”
Alex: “..hindi pa nababasa ni tita yung letter?”
“Tama.. Kaya kailangan mabasa niya.. Nasan na ba yung tita mo?”
Alex: “Wala siya sa bahay eh.. Teka, sa makalawa na yung alis nun eh..”
“Hmm.. Bukas.. Kailangang makausap natin siya..”
Alex: “Uh.. Okay..”
“Tara na.. kain na tayo..”
Alex: “Sige.. this time sa C.R na ako pupunta..”
Tapos lumabas na ako agad dun sa kwarto dala-dala yung box ng mga sulat at pinatong sa sahig sa may living room. Maya-maya, nagulat ako biglang may narinig akong nag-strum ng gitara galing sa kwarto.
Napatigil ako. Bumalik ako dun sa kwarto, dahan-dahan ko binuksan yung pinto. Walang tao. Ang dilim. Kinabahan ako bigla..
“Kuya?!”
Tahimik pa rin.
“Walang ganyanan..”
Alex: “Mumu daw ah?”
Nagulat ako biglang bumulaga sa mukha ko si Alex hawak-hawak yung gitara.
“Ano ka ba naman?! Akala ko kung ano..”
Alex: “Pahiram ah..”
Huminga ako ng malalim.
“Di pwede..” Tapos kinuha ko yung gitara.
Alex: “Ha? Babalik ko bukas..”
Ngumiti ako.
“Ako na lang.. Ako na lang tutugtog..”
This entry was posted on 5:36 AM
and is filed under
xx chapter 44
.
You can follow any responses to this entry through
the RSS 2.0 feed.
You can leave a response,
or trackback from your own site.
0 comments:
Post a Comment